^

PSN Showbiz

Tiyahing feeling star, banned sa taping!

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Isang mahalagang leksiyon na dapat matutunan ng maraming alalay ng mga artista ang nangyari sa pagitan ng tiyahin ni Sarah Labahti at ni Jessa Zaragoza. Pinaalis si Jessa ng tiyahin ni Sarah sa tent na pinagsasaluhan nila ng star ng Kokak dahil para lang daw ang tent sa pamangkin niyang bida sa serye. Umiiyak na nagsumbong si Jessa sa produksiyon na siyang nag-assign sa kanya sa tent. Ayun, na-ban si auntie sa set ng Kokak.

Bakit naman kasi nagmahadera ito gayung si Sarah ay wala namang sinasabing ganun at hindi ito nagpapaistar. Siyang tiyahin lamang ang nag-feeling star. 

Yna nagpa-sexy para magkatrabaho

Mabuti naman at kahit hindi siya nahahanapan ng proyekto ng kanyang manager ay nagawa ni Yna Asistio na makahanap ng trabaho. Habang naghihintay ng trabaho ay nagawa niyang magpapayat kaya ngayong maganda ng muli ang kanyang katawan hindi na siya dapat makuntento na lamang sa support roles, puwede na siyang tumanggap ng mas malalaking roles na siya marahil na gagawin ng Kapuso Network ngayong pumayat na siya.

Rico Puno babalik na lang sa mga bar

Ngayong wala nang regular show sa TV si Rico Puno, mababalikan na naman niya ang pagsu-show at pagkakaroon ng gig na kung saan ay in demand siya.

Ang isang tulad niya na may sariling pamamaraan ng pagpi-perform ay hindi kailanman mauubusan ng lugar na mapagso-show-an. Mas marami nga ang natutuwa na makita siya outside of the TV screen na kung saan ay nalilimitahan ang kanyang act. Sa stage nga naman, sky’s the limit. Puwede siyang magpaka-berde hangga’t gusto niya. Pero, sa TV subject siya sa censorhip. 

AYUN

BAKIT

JESSA

JESSA ZARAGOZA

KAPUSO NETWORK

KOKAK

RICO PUNO

SARAH LABAHTI

SIYA

YNA ASISTIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with