Child star na baguhan pinabirit agad ng GMA 7
Sa susunod na buwan pa magiging 10 taon si Roseanne Magan pero agad ay ginawa siyang bida at ibinigay sa kanya ang title role sa bagong teleserye ng GMA7 na Biritera.
Kuwento ng isang batang singer na si Roseanne na nangangarap sumikat at makilala. Tatangkain siyang ipalit ni Mr. D (Ryan Eigenmann), isang kilalang talent manager na namatayan ng isang sikat na alagang singer na kapangalan ni Roseanne. Pero sa unang pagkikita nila sa isang amateur singing contest ay natalo agad ito kaya nawalan ng interes sa kanya ang talent manager.
Hindi batid ni Mr. D na nakunan pala ng video ng nakasama niyang bokalista ng sikat na banda na si Andrei (Dennis Trillo) habang kumakanta si Roseanne (Roseanne M.). Inilabas niya ito sa Internet at nagbigay ito ng instant success sa bata. Pero may problema sila dahil ang itinuturing na ina ni Roseanne na si Remy (Angelika dela Cruz) ay tutol na mag-singer ito. Mas gusto nitong makatapos ang bata ng pag-aaral.
Love interest ni Dennis sa serye si Glaiza de Castro, gumaganap ng Mikaela at kasamahan niya’t drummer sa banda nilang Bridge. Hindi lamang mapapasabak ang dalawa sa aktingan. Kailangang ilabas din nila ang talent nila sa pagkanta. Bokalista dati ng sarili nilang banda si Glaiza. First time humawak ng drums pero agad naman niya itong nakagamayan.
UNTV nagpahabol ng pasasalamat
Isang belated pero most welcome Christmas party ang hinost ng UNTV para sa lahat ng mamamahayag ang ginanap na Press Night kamakailan lamang.
Hindi man sing-garbo at sing-bongga ng mga ibinigay na Christmas party ng ibang networks, UNTV’s Press Night more than made up sa kasiyahan na pinangunahang ibigay ni Daniel Razon who has always been a darling of the press, may titulo man siya nito o wala.
Beauty contest ng Olive C nakakabilib!
Nanood naman ako ng finals ng Mr. & Miss Olive C Campus Model Search nung Sabado ng gabi at bilib naman ako na galing ng aking friend na si Jim Acosta, CEO at president ng Psalmstre Enterprises, Inc. sa pagpili ng mga kandidato mula sa mga iba’t ibang kolehiyo at unibersidad sa Luzon, Visayas, at Mindanao. Karamihan sa mga napili niya ay magaganda at hindi mo aakalaing mga kabataan pa.
Adjudged as grand winner sa male division division si Aljhon Lucas mula sa Taytay United Methodist Christian School, 4th year high school at may edad na l8 taon. Si Rohanna Rearte naman ng Hillcrest High School, 16 years old, 5’8”, ang nanalo sa female division. Parehong nanalo ng tig-P25,000 ang dalawang nanalo, may one-year supply ng Olive C, at P100,000 guaranteed modeling contract bilang Olive C image models.
Opening pa lamang ng pageant ay talagang bongga na. Lahat ng kalahok paraded in their most colorful festival costumes. Talagang ginastusan ni CEO Acosta ang campus search na ang mananalo ay magiging kinatawan ng bansa sa isang worldwide teen search na gaganapin sa Guatemala sa Oktubre.
Ang nanalong Miss Olive C last year na si Muriel Orais ng Cebu ay naging first runner-up sa sinalihan nitong Miss Earth Philippines. Ang counterpart niyang si Hiro Magalona ay isang mabilis na sumisikat na artista ngayon sa GMA 7.
- Latest