^

PSN Showbiz

Gov. Vi hahagulgol sa kasal ni Luis

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Sa Nobyembre ay magdiriwang na ng kanyang ikalimampung anibersaryo sa showbiz si Gov. Vilma Santos. Ngayon pa lamang ay pinaghahandaan na ni Ate Vi kung paano niya ito ise-celebrate.

“Magkakaroon ng book launch. Open po lahat kung sino man ang gustong maki-celebrate rito sa movie industry kung saan ako lumaki at pinagkakautangan ko po ng loob. I will be celebrating it anytime November this year,” pahayag ni Gov. Vi.

Magiging bahagi rin ng selebrasyon ang muli niyang paggawa ng pelikula sa Star Cinema.

“Tuluy-tuloy na ’yung gagawin naming shooting. May mga aabangan silang suspense. Excited ako to do one movie again with Kim Chiu, kasama ko sina Pokwang, si Janice De Belen directed by Chito Roño,” kuwento ng aktres.

Samantala, nagbigay siya ng reaksiyon tungkol sa relasyon ngayon ng anak na si Luis Manzano at kasintahang si Jennylyn Mercado. May mga bulung-bulungan kasi na posibleng mauwi na sa kasalan ang magandang pagtitinginan ng dalawa.

“Hindi ako magdedesisyon nun. Ayokong makialam. Mature na ’yung anak ko para magdesisyon sa buhay niya. Hindi ko ma-imagine kapag nandun na siya sa simbahan. Hahagulgol ako pero okay lang, kung saan liligaya ang anak ko doon ako,” nakangiting sagot ng actress-politician.

Masaya rin si Ate Vi sa pagkakaroon ng bagong programa ni Luis pagkatapos magpaalam sa ere ng Entertainment Live noong Sabado.

“I heard siya yata ang magho-host ng Deal or No Deal. He is very serious with his job. I am here anak to support you. I will pray for you, I’m proud of you. I love you Lucky,” pagtatapos ng Star For All Seasons.

Kean sasabak sa pelikula ng Star Cinema

Excited na si Kean Cipriano dahil muli siyang gagawa ng pelikula. Makakasama ng rakista sina Xian Lim, Enchong Dee, at Enrique Gil sa pelikulang The Reunion ng Star Cinema. Maganda ang istorya ng nasabing proyekto at masaya si Kean dahil magsisilbing tribute rin ang nasabing pelikula sa OPM (Original Pilipino Music).

“Wala naman sigurong pressure kasi wala naman kailangang patunayan, kumbaga rock and roll lang. I will see to it na maganda ’yung ibibigay namin dahil collaboration talaga ito among us,” pahayag ni Kean.

Kahit wala siyang exclusive contract sa ABS-CBN ay may mga gagawin din siyang ibang proyekto para sa Kapamilya Network.

“Ako, kung ano man ang nangyari, sakay ako sa alon, at kasama ko ’yung management namin. May mga projects na ako sa Channel 2 pero ’di pa lang naaayos ’yung schedule, pero sana matuloy.

“If God permits, I’d be happy to be part of a teleserye,” pagtatapat ni Kean.

Matagal na rin niyang gustong makatrabaho si Sarah Geronimo kung mabibigyan siya ng pagkakataon. —  Reports from JAMES C. CANTOS

AKO

ATE VI

CHITO RO

ENCHONG DEE

ENRIQUE GIL

ENTERTAINMENT LIVE

JANICE DE BELEN

KEAN

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with