^

PSN Showbiz

Grace 'kawawa' kay Kris

- Veronica R. Samio -

Paano mo naman mai-expect na magkaroon ng privacy ang isang pangulo na tulad ni P-NOY, eh kay Kris pa lang (his sister and a top showbiz persona­lity) eh, buko na siya. Kahit anong pangako pa ang gawin ni Kris na hindi siya makikialam at magsasalita ng may kinalaman sa kanyang “kuya”, lahat ng mga gawain ng isang pinuno ng isang bansa ay inire-report na lahat, may kinalaman man ito sa kanyang gawain o wala.

Poor Grace Lee, dahil pumayag siyang mai-date ni PNOY kung totoo man ang balita. Magiging sentro siya ng pansin ng lahat, lalo’t isa siyang Koreana, kahit pa matagal na siyang naninirahan sa bansa at ang puso ay para nang isang Pinoy.

Budoy wala pang katiyakan kung magdurusa!

Sa kabila ng maraming pagpuna ng mga nasa medical profession at ng mga taong may kapamilya na may kapansanan ng tulad ng kay Budoy, patuloy na sinusubaybayan ng marami ang serye na tinatampukan ni Gerald Anderson.

Lahat ay excited na malaman kung ano ang kahihinatnan ng kanyang karamdaman, kung magpapa­tuloy ba ito sa pagbibigay ng magandang pagbabago kay Budoy o katulad ng sakit na cancer ay pansamantala lamang ang kaginhawahang madarama niya at sa huli ay dadalhin din siya nito sa kamatayan.

Ayon sa creative head ng serye na si Rondel Lindayag, tiyak daw na magpapabaha ng luha sa mga loyal viewers ng show ang idudulot na pagdurusa ng tumor na tumubo sa utak ni Budoy.

Ibang Kapamilya stars nai-insecure kay Iza

Mukhang hindi rin nagkamali ng paglipat ng network si Iza Calzado. Magaganda ang mga proiects na ini-line up sa kanya ng ABS CBN.

Kasama sa line-up ang pagho-host niya ng Bb. Pilipinas, siya rin ang makakapalit ni Sharon Cuneta para mag-host ng The Biggest Loser.

Isasalang din siya sa Maalaala Mo Kaya.

Walang nararamdamang pressure si Iza sa mga nakatakdang gawain niya sa bago niyang bahay. Pero ang sigurado, magbibigay siya ng insecurity sa maraming Kapamilya na puwede ring gumawa ng mga gawaing ipinagkaloob sa kanya.

BIGGEST LOSER

BUDOY

GERALD ANDERSON

IBANG KAPAMILYA

IZA

IZA CALZADO

MAALAALA MO KAYA

POOR GRACE LEE

RONDEL LINDAYAG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with