^

PSN Showbiz

Jericho Rosales ka-join sa Battle of the Champions!

-

MANILA, Philippines - Naimbitahan bilang panauhing pandangal at tagapagsalita si Interior and Local Government Secretary Jesse M. Robredo sa unang Singing Stars Battle of the Champions na naglalayong parangalan ang kabayanihan ng mga nasawing sundalo at pulis at mangalap ng pondo para sa naiwan nilang pamilya.

Magbibigay-pugay din sa mga sundalo at pulis na nasawi sa paggampan ng tungkulin lalo na yaong mga napatay ng mga rebelde at terorista sa Mindanao ang 11 champion singing soldier mula sa Philippine National Police, Philippine Army, Philippine Navy, Philippine Air Force at Department of National Defense.

Guest performer sa singing contest ang aktor at singer na si Jericho Rosales. Inorganisa ito ng Air Materiel Wing Savings and Loan Association, Inc. na ang 230,000 miyembro ay nagmula sa Armed Forces of the Philippines.

Sisimulan ang contest bandang alas-8:00 ng gabi sa Pebrero 2 sa Music Museum.

Kabilang sa mga contestant sina Pfc. Efraim B. Rivera, Ensign Mel Sorillano, SPO2 Reynaldo P. delos Reyes, PO3 Jannet T. Cadayona, Sgt. Federico P. Andagan Jr., Pfc. Malou V. Eslaga, P/Sr. Insp. Edwin L. Serrano, AWIC Zarah S. Francisco, Rex Pili, AWIC Mylin S. Estojero, at TSG Wilhelmo S. Celestial.

Sina Andagan, Celestial, Eslaga, Cadayona at Serrano ay dati nang mga nanalo sa nagdaang mga taunang AMWSLAI Search for Singing Stars. Nanalo ring Si­nging sol­­dier champion sa noon­time show na Eat Bulaga si Andagan at gaya rin ni Sorillano na four-week champion sa buwag nang Pasikatan sa Trece at seven-week winner sa dating Tanghalan ng Kampeon.

AIR MATERIEL WING SAVINGS AND LOAN ASSOCIATION

ANDAGAN JR.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

CADAYONA

DEPARTMENT OF NATIONAL DEFENSE

EAT BULAGA

EDWIN L

EFRAIM B

ESLAGA

FEDERICO P

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with