Patrick 'lulong' sa poker!
Isa pala si Patrick Garcia sa mga naglalaro sa Celebrity Poker Games na itinataguyod ng Mowelfund para makakuha ng pondo na makakatulong sa pagpapagamot at pagpapalibing ng mga miyembro nila. Mabibiyaan din ng sinusubaybayang palaro ang Mowelfund Film Institute.
Pinaka-bata marahil si Patrick sa mga celebrity players na kung saan ay kasali rin sina Dennis Padilla, Jestoni Alarcon, at Sylvia Sanchez. Tumataginting na dalawang milyon ang mapapanalunan ng mananalo rito.
Marissa abala sa mga OFW
Isang programa tungkol sa mga OFW na hino-host ni Marissa del Mar ang napapanood sa Aksyon TV tuwing Sabado, 10:00 ng gabi.
Pinamagatang Buhay OFW, layunin ng programa na makatulong sa kapakanan ng lahat ng OFW. Magsisilbing paraan ito upang maiparating ng ating mga modern day heroes ang lahat nilang isyu, problema upang ito ay matugunan ng lubos.
Indie produ nadagdagan
Sa pagiging aktibong muli sa pagpo-prodyus ng movies ng pulitikong si Gov. Imee Marcos at former Cong. Ronald Singson, nabuhay muli ang pag-asa ng mga taga-industriya ng pelikula. Kakaunti nga naman ang nagawang mainstream na pelikula noong nakaraang taon. Mas marami kung tutuusin ang mga naprodyus na indie films na hindi lamang nagbigay ng trabaho sa maraming manggagawa sa pelikula kundi nagbigay din ng karangalan sa bansa.
Mapa-indie man o mainstream, malaking pag-asa na rin ang maibibigay nila sa mga umaasang magkakatrabaho sa pagbabalik nina Ms. Imee at Mr. Ronald bilang movie producer.
Gerald type na rin ng mga lalaki
Kung noon ay puro girls lang ang humahanga kay Gerald Anderson, iba na ngayon. Mula kasi nang gawin ni Gerald ang Budoy sa ABS-CBN, naging instant idol na siya ng mga bata.
Sey nga ng isang nakausap naming madir, “Paborito siya ng mga anak ko pati ‘yung mga pauso niyang ‘Be Happy! Be Budoy.’ Okay din siya para sa akin kasi good influence si Budoy sa mga estudyante dahil mahilig mag-aral.”
Dagdag pa ni nanay na bilib na bilib sa show ni Gerald, “Sa sobrang pagkagusto nga ng isang anak ko kay Budoy, gusto na rin niyang makasali sa contest na parang Pilipinas IQ.”
- Latest