Baby shower ng panganay nila ni Priscilla 'di sinipot ni John
Mga piling-piling bisita ang dumalo sa baby shower party ni Anechka Mereilles Estrada, ang upcoming baby ng mag-asawang John Estrada at dating Miss Earth na si Priscilla Mereilles na ginanap sa upper lobby ng Manila Peninsula Hotel. Sa halip na mga regalo para kay Anechka, hiniling ni Priscilla sa mga dumalong bisita na donation na lamang para sa Cribs Foundation ang ibigay tulad ng gatas na Nido, Nestogen, Bonamil, detergent powder at iba na siyang kailangan ng mga bata na tinutulungan ng Cribs Foundation.
Very hands on si Priscilla sa pag-organize ng baby shower party mula sa color motiff, floral arrangements, give-aways, food at iba pa. Nagkaroon din ng iba’t ibang games with matching prizes.
Hanggang sa matapos ang party, hindi namin namataan si John pero naroon ang mga anak niyang babae kay Janice de Belen.
Priscilla is due to give birth to Anechka sa unang linggo ng Marso.
John Lloyd at Angel hindi puwedeng ma-link
Malapit na ang showing ng first movie ng balik-tambalan nina John Lloyd Cruz at Angel Locsin ang Unofficially Yours na dinirek ng box office director na si Cathy Garcia-Molina under Star Cinema.
Wala mang romantic involvement sa pagitan nina John Lloyd at Angel, maganda ang kanilang chemistry at ito’y dahil na rin sa kanilang magandang working relationship na nabuo habang ginagawa nila ang Imortal.
Everybody knows na karelasyon ni Angel ang football star na si Phil Younghusband at si John Lloyd naman ay may Shaina Magdayao na muli niyang binalikan pagkatapos ng kanilang short break-up.
Cesar may trabahong tinanggap sa Hollywood
Kapansin-pansin na Diego Montano ang ginamit na screen name ni Diego Loyzaga sa pelikulang Hitman na pinagbibidahan, dinirek, sinulat at produced (with Viva Films) ni Cesar Montano. Si Diego ay anak ng Sydney-based na si Teresa Loyzaga. Bilang ama, may karapatan si Buboy (Cesar) na gawin kung ano ang makakabuti sa kanyang anak lalupa’t ipinapakilala siya sa pelikulang Hitman, ang kauna-unahang local action movie na ipapalabas sa taong ito.
At ngayong katuwang na ang Viva big boss na si Vic del Rosario, Jr. sa negosasyon ng mga TV and movie projects na gagawin ni Cesar, hindi kami magtataka kung magkaroon ito ng project sa TV5 although may alok din umano ang ABS-CBN.
Open si Buboy na gumawa ng project sa kahit saang TV network dahil wala naman daw siyang exclusive contract.
Bukod sa local, may international projects din siyang naka-line-up sa taong ito.
- Latest