^

PSN Showbiz

Maraming artista naghahanda na sa 2013!

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Ang dami palang artista ang lalahok sa pulitika sa susunod na halalan. I’m sure lahat sila ay public service ang layunin.

Mabuti naman at hinahangad ko na maipagpatuloy nila ang layunin ng iilan nating pulitiko na ang tanging hangad ay mabago ang lagay ng ating bansa. Nakita na marahil ni P-Noy na hindi lamang ganun kadaling makamit ang minimithi niyang magandang bansa na walang korapsiyon.

Kulang siya ng panahon at suporta, maging sa kanyang mga kasamahan. Sana ang mga susunod sa kanya, hindi lamang pangulo kundi maging ang bubuo ng Senado, Kongreso, kailangan ng sakripisyo.

Lito kailangan ng datung kaya aarte

Sana katulad nina Gob. Vilma Santos at Sen. Bong Revilla, ay hindi makaapekto sa kanyang trabaho sa Senado ang pagbabalik ni Sen. Lito Lapid sa kanyang pag-aartista. Hindi naman natin siya maaring pigilan dahil hindi naman ganun kalaki ang suweldo ng isang Senador, baka nga naman kulang na kulang ‘yun sa para sa mga pagtulong na ginagawa niya. Kaya pagbigyan na natin siya. Kailangan lang naman ay maayos na pag-iiskedyul para hindi rin maapektuhan ang kanyang pagiging isang hurado sa impeachment trial ni CJ Renato Corona.

Once an actor, always an actor ayon sa isang kasabihan. Hahanap-hanapin ng isang actor ang kanyang dating trabaho gaano man siya ka-successful sa kanyang kasalukuyang gawain.

BONG REVILLA

HAHANAP

KAILANGAN

KANYANG

LITO LAPID

RENATO CORONA

SANA

SENADO

VILMA SANTOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with