^

PSN Showbiz

Pauleen ayaw patulan ang karibal na dancer kay Vic

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK: Crush pala ng guwapitong singer na si Markki Stroem si Yeng Constantino.

Napapangiti lang si Yeng nang nakarating ito sa kanya, pero hanggang crush lang naman yata si Markki at hindi pa aabot sa ligawan.

Si Yeng naman ay nakasanayan nang walang boyfriend kaya nga naisip nito ang kakaibang concert sa darating na February 3 na gaganapin sa Music Museum.     

Ang title ng concert niya ay Okay Lang Maging Single sa Valentines. Concept ni Yeng ito at siya rin ang namili ng repertoire na nababagay sa title ng concert.

Tuwang-tuwa ang concert producer na si Ms. Pinky Tobiano dahil libre raw ang talent fee dito ni Yeng pati ang mga special guests dahil ang kikitain ng naturang concert ay mapupunta sa Bosom Buddies ni Ms. Tobiano na tumutulong sa mga breast cancer patients.

PAK: Sino kaya itong manager/producer na nagpatalbog ng tseke sa kinuha niyang hosts sa isang event noong new year?

Kilala ang aktres at ang radio/TV personality na kinuha niyang host, at madali naman silang kausap. Pero nagtataka lang sila bakit binayaran daw sila ng post-dated check at nagbilin pang magti-text ito kung ipapasok na ang tseke.

Pero nung pina-follow up na nila, dedma na raw si producer/manager kaya pinasok na nila ito na ayun tumalbog nga!

Nabayaran naman ng cash ni produ ang radio/TV personality, pero si kilalang aktres ay hindi pa nabayaran nang buo.

Isa sa mga araw na ito ay lalabas din naman ang isyung ito.

BOOM: Ayaw magkomento ni Pauleen Luna sa lumabas na isyung sinugod daw nito ang dating EB Babes dancer na si Saida Diola.

 “Kacheapan naman yan!” text lang nito sa akin. Ayaw daw niyang sagutin pa dahil hindi na raw kailangang patulan na kung hindi naman totoo.

Bakit naman daw niya susugurin ito, wala naman daw sa ugali niyang nanunugod kahit galit pa siya sa isang tao.

AYAW

BOSOM BUDDIES

MARKKI STROEM

MS. TOBIANO

MUSIC MUSEUM

NAMAN

OKAY LANG MAGING SINGLE

YENG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with