^

PSN Showbiz

Aso nila Sarah sa bahay, 40!

- Ni SVA -

MANILA, Philippines - Mas marami pa pala sa alagang aso ni ‘Nay Lolit Solis ang alagang aso ni Sarah Geronimo.

Imagine, 40, yup, as in forty.

Iba-iba raw ang breed nito ayon sa ama ni Sarah na si Mang Delfin. May kanya-kanya raw silang alaga pero pinaka-marami pa rin daw ang sa pop princess.

May yaya ba sila?

Sila-sila lang daw ang nag-aalaga sabi ng kanyang ama.

Anyway, full blast na raw ang rehearsal ni Sarah para sa Sarah G. Live na eere sa second week ng February. Ang G Force ni Teacher Georcelle ang magiging regular back up ni Sarah dahil musical nga ito.

Director sa concert ni Anne, pinalitan ng Viva!

Hindi na pala si Rico Gutierrez ang director ng concert ni Anne Curtis sa Araneta sa Sabado.

Ang rason, pinalitan daw ito dahil ang tagal na nagbakasyon eh hindi naman daw nag-advice na mawawala siya ng matagal. So para hindi magahol sa oras, pinalitan na lang daw ito ng Viva ayon sa isang source.

Atty. Acosta hindi na mukhang ngarag!

Nag-iba na ang hitsura ni Atty. Persida Acosta, ang chief ng Public Attorney’s Office na nakilala sa mga programa ng TV5.

Kung noon, parang lagi siyang ngarag, aba ngayon mukhang bumata siya.

Kung sabagay, may stylist at may mga nag-i-sponsor na ng damit niya.

Anyway, matapos ang mahigit isang taon ng paglutas ng mga kaso sa Public Atorni: Asunto o Areglo tuwing Huwebes ng gabi, mas mabilis na ang gulong ng hustisya dahil araw-araw nang lilitisin ang mga kaso sa tinaguriang mediation-on-air program dahil simula sa Lunes (Enero 30) daily na itong mapapanood.

Bago pa man umabot sa husgado, sa pakikipagtulungan sa tanggapan ni Atty. Acosta sa PAO, inaareglo na nila ang dalawang panig para hindi na makadagdag sa mahabang listahan ng mga kasong nakabinbin sa korte.

“Marami kasing tao ang hindi masyadong pamilyar sa mga batas natin. Akala nila basta may nangyari sa kanila, puwede na agad magdemanda,” sabi ni Atty. Persida.

Mula sa magnanakaw ng manok at panty, inilalapit sa programa nila.

Actually, merong mga taga-showbiz na lumalapit sa kanya para manghingi ng tulong pero confidential, ayaw niyang pangalanan kahit anong pangungulit sa kanya.

At walang kahit anong honorarium na natatanggap ang mga nanghihingi ng tulong at napapanood ang mada-dramang nangyari sa kanilang buhay. “Merienda lang,” saad ni Atty. Acosta na isa ring abogado ang asawa at pumalit sa kanya sa Face To Face.

Sinabi rin niyang hindi niya ginagamit ang mga programang nilalabasan para sa ambisyon niya sa pulitika. Wala siyang kaplano-planong maging senador.

Ikinatuwiran niya rin wala namang conflict of interest sa trabaho niya as host dahil tuwing wala lang siyang trabaho sa PAO nagti-taping.

Makakasama ng tinaguriang Boses ng Masa na si Mj Marfori bilang mediation reporter na pupulso sa opinyon ng taong-bayan hinggil sa pinag-uusapang kaso. 

                                                                         

vuukle comment

ACOSTA

ANNE CURTIS

FACE TO FACE

G FORCE

LOLIT SOLIS

MJ MARFORI

PERSIDA ACOSTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with