Aktor gustong bugbugin ang nanggulong ex ng manlolokong GF
Kakuwentuhan namin ang isang aktor at nang mapunta sa ex niya ang usapan, natawa na lang nang maalalang may kasabay siyang binoypren ng aktres.
Hindi pa sila uli nagkikita ng ex-GF at hindi niya alam kung magagawa niya itong batiin at ’pag sila’y nagkita. Malaki ang kasalanan ng ex niyang aktres dahil bukod sa nag-two timer, inilihim pa ang past relationships at sa press pa niya nalaman.
Pero mas galit ang aktor sa kasabay niyang naging BF ng ex dahil kahit break na sila ng girl, patuloy siyang ginulo ng lalaki. Nalaman niyang hinihingi nito ang phone number niya sa kanilang mutual friend na mabuti’t hindi ibinigay.
Siniraan din siya ng lalaki sa TV at kahit hindi binanggit ang name niya, alam nang mga nakarinig na siya ang pinatutungkulan. Hinintay lang nitong banggitin ang name niya at talagang susugurin at bubugbugin niya ang lalaki.
Richard, Ruffa at Raymond, pipirma na sa Viva
Kahapon lang bumalik ng bansa si Richard Gutierrez after ng bakasyon niya sa States at trabaho agad ang hinarap nito. Ngayong araw, pipirma sila ng mga kapatid na si Ruffa at Raymond Gutierrez ng kontrata sa Viva Entertainment. Ang kompanya ni Mr. Vic del Rosario na ang in charge sa mga endorsements at events ng magkakapatid.
Ricky ‘di na nagka-interes na mag-audition sa Bourne
Last taping day ng Kung Aagawin Mo ang Langit kahapon, pero mapapanood hanggang Feb. 3 ang soap. Ang alam ni Ricky Davao, mamamatay ang karakter niya pero natuwa ito na till the end ay buhay ang karakter niya kahit paralisado at naka-wheelchair.
Nagbiro si Ricky na after the show, makakapag-concentrate na siya sa pagdidirek ng Kokak pero inaming malulungkot siya sa pagtatapos ng soap dahil naging close sila ng buong cast.
Samantala, hindi pala nakapag-audition sa Bourne Legacy si Ricky at feeling niya, hindi rin siya mapipili dahil ang mga kinuha ay talagang mukhang Pinoy. Siya raw, napagkakamalang Japanese o Latino.
- Latest