^

PSN Showbiz

Anak nina Sen. Lito at Melanie independent sa Amerika

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Eh ano naman kung isang driver ng school bus ang love child nina Sen. Lito Lapid at Melanie Marquez sa US na si Manuelito?

Dito lang naman sa atin hinahamak ang mga ganitong gawain pero sa Amerika ay hindi. Doon ay may dignidad ang lahat ng uri ng trabaho.

Balita ko ay nag-aaral ang binata at kung meron tayong dapat tawagan ng pansin, ito ay ang kanyang inang si Melanie na maganda naman ang buhay dun at asawa ng isang may rancho kaya puwede siyang tulungan (at ganundin si Sen. Lito), pero alam ba nito kung nasaan siya at kung nangangailangan ng tulong?

Baka naman napaka-independent ni Manuelito to even ask for money from his parents kaya kahit mag-drive ng bus okay na kesa maging dependent sa kanyang parents.

Nagka-GF sa Singapore

Tuwang-tuwa naman ako sa balitang nakakita na ng kanyang girl si Christian Bautista. Kahit taga-ibang bansa ito at may ibang lahi, still happy ako for this hardworking artist at sana magtagal ang kanilang relasyon. At kung maaari ay humantong na sila sa altar.

Singapore-based ang girl na nagngangalang Carla Dunareanu.

Eugene mas bobongga sa bagong Kimmy Dora

I’m sure mas bongga ang part two ng Kimmy Dora na magtatampok muli kay Eugene Domingo.

Ito ang launching movie na pinagtulung-tulungang iprodyus nina Piolo Pascual at Bb. Joyce Bernal, at ilan pang kaibigan.

Bongga sabi ko dahil mas magaling na ngayong artista si Uge, mas comfortable sa kanyang trabaho, at humaba na ang listahan ng mga fans at accomplishments.

Ewan ko lang kung magtutulung-tulong muli ang mga friends niya to produce the films o may bago nang producer na interesado dito.

 I’m sure unlike before marami nang producer ang nag-aagawan para mag-produce ng movie para kay Eugene.

AMERIKA

CARLA DUNAREANU

CHRISTIAN BAUTISTA

EUGENE DOMINGO

JOYCE BERNAL

KIMMY DORA

LITO LAPID

MANUELITO

MELANIE MARQUEZ

PIOLO PASCUAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with