Jolo magpapagamot na sa Amerika, Kris sumunod!
PIK: Medyo emotional si Camille Prats sa nalalapit na pagtatapos ng Munting Heredera dahil hindi na naman siya magiging abala sa trabaho.
Inamin niyang hirap na hirap pa rin siya maka-move on pagkatapos sumakabilang-buhay ang kanyang asawa.
Kaya malaki ang pasasalamat niya sa GMA 7 dahil binibigyan siya ng trabaho para malibang at pansamantalang nakakalimutan ang nasirang asawa.
PAK: Masamang-masama ang loob ng promoter na kumuha kay Ynez Veneracion na mag-show sa Agusan del Sur dahil sa mga pinagsasabi nito na lumabas sa Startalk, gawa nang hindi ito nabayaran ng buo sa kanyang talent fee.
Inamin naman daw nila na hindi nila nabigay ang balanse pero sisikapin naman nilang mabayaran ang sexy star.
Kung anu-ano na ang mga sinabi ni Ynez sa interview na ikinasama nila ng loob kaya mukhang wala na silang ganang bayaran talaga dahil siniraan na sila ni Ynez.
BOOM: Umalis kagabi si Jolo Revilla patungong Amerika para magpa-check up at magpagamot na rin ng kanyang migraine.
Naintriga lang kami nang nalaman naming umalis din si Kris Bernal pa-Amerika para magbakasyon.
Hindi kaya sila magkikita roon?
“Hindi ko pa alam eh,” tipid na sagot sa amin ni Jolo.
Matagal na pala silang walang komunikasyon kaya hindi niya alam kung saan sa Amerika si Kris.
“Malay natin,” makahulugang pakli sa amin ni Jolo na nalilito pa rin kung ano na talaga ang meron sila ni Kris.
- Latest