^

PSN Showbiz

Anne nakikita nang pang-forever ang BF

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Sa Jan. 28 na ang pinakahihintay na kauna-unahang major concert ni Anne Curtis sa Smart Araneta Coliseum. Naging matagumpay ang dalaga sa kanyang showbiz career at masaya rin siya sa relasyon nila ni Erwann Heussaff ngayon.

“I love everything about him because he’s such a blessing in my life and I’m just so happy he’s part of it. He’s everything I could ever dream about,” pagtatapat ni Anne.

Hindi seloso ang boyfriend ng aktres lalo na pagdating sa paggawa ng mga maseselang eksena ni Anne sa pelikula. “He’s actually very, very open-minded about it. He understands that it’s a craft. Work ’yan eh, so hindi siya nakikialam. Hindi rin siya nagseselos. Of course, ’pag dumarating ’yung kissing scenes, uncomfortable pero hindi naman siya nagseselos,” pagbabahagi ng aktres.

Kahit matagal na ang relasyon nina Anne at Erwann ay hindi pa naman sila nagmamadaling lumagay sa tahimik.

“I really don’t know, for me it doesn’t matter what your age is, as long as you know that the person is the right person for you and you’ll know it’s time. It could be tomorrow, it could be in three or five years, it could be next month. Who knows? For me it depends on when you know that this is it, this is forever,” paliwanag ni Anne.

Ano naman kaya ang magiging reaksiyon ng mga magulang ng aktres kung sakaling magpaalam siyang gusto na niyang mag-asawa pagda­ting ng araw?

“I think my mom might be a little more open about it, but my dad siguro would be, ‘Are you sure? Are you sure about this?’ He’s always been the type to tell na go out and see the world before you settle down, darating naman ang panahon na ’yon,” pagtatapos ng dalaga.

Carmina na-miss ang magagaling na artista

Noong Linggo sa The Buzz ay aming nakapanayam ang nagbabalik-Kapamilya Network na si Carmina Villaroel. Masayang-masaya ang aktres sa kanyang ginawang pagbabalik sa ABS-CBN.

“Because we’re like a family, at may isa pa, bongga talaga ’yung Star Magic Ball eh. Gusto ko ’yon,” natatawang pahayag ni Carmina.

Gustong dumalo ng aktres sa Star Magic Ball ngayong taon kahit hindi siya talent ng Star Magic. Para sa aktres, si Piolo Pascual ang pinaka-guwapo at si Kristine Hermosa naman ang pinaka-maganda sa mga Star Magic talents. Na-miss maka-eksena ni Carmina si Piolo na minsan na rin niyang nakatrabaho noon sa tele­seryeng Esperanza.

“Si Piolo pa rin, na-miss ko siyang katrabaho, napakahusay niyang aktor. Masarap kasing nagkakaroon kayo ng eksena, nagde-deliver kayo ng kaeksena mo, nagbibigayan. ’Yun ang na-miss ko, ’yung makatrabaho ‘yung magagaling na artista,” paliwanag pa ni Carmina.

Bukod sa bagong talk show ay nakatakda ring gumawa ang aktres ng isang teleserye at pelikula sa binalikang network.   — Reports from JAMES C. CANTOS

AKTRES

ANNE CURTIS

CARMINA

CARMINA VILLAROEL

ERWANN HEUSSAFF

KRISTINE HERMOSA

NOONG LINGGO

PIOLO PASCUAL

STAR MAGIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with