^

PSN Showbiz

Pagbalik ni Claudine sa ABS-CBN para sa isang show na pagsasamahan nila ni Gretchen nega ang dating

- SEEN SCENE -

SEEN: Dalawang oras at kalahati na naghintay kay Katy Perry ang mga miyembro ng media at fans sa kanyang perfume launch sa SM Mall of Asia Atrium noong Sabado. Dismayado ang media dahil maliban sa pinaghintay sila nang matagal, walang nag-asikaso sa kanila.

SCENE: Big fan ni Katy Perry si Hayden Kho, Jr. na gumawa pa ng poster na pinapirmahan niya sa sikat na singer.

Kilig na kilig si Hayden sa “Hayden, I’m in love with you” dedication ni Katy sa kanyang home-made poster.

SEEN: Negative ang feedback sa news na babalik si Claudine Barretto sa ABS-CBN para sa project na pagsasamahan nila ni Gretchen Barretto.

SCENE: Dumagundong ang SM Fairview dahil sa malakas na tilian ng fans nang ipakilala si David Archuleta sa mall show ng Nandito Ako cast noong Sabado.

SEEN: Blockbuster ang My Cactus Heart sa mall show nina Maja Salvador, Matteo Guidicelli, at Xian Lim sa Trinoma Activity Center noong Sabado.

SCENE: Itinaon sa 45th birthday ni Eric Quizon ang cast party ng Glamorosa sa Quezon City Parks & Wildlife.

Si Eric ang direktor ng TV series ng TV5 na malapit nang magwakas.

SEEN: Kapatid star na rin si Iwa Moto dahil mapapanood siya sa Felina, ang unang afternoon drama/fantasy show ng istasyon.

SCENE: Kahapon ang 39th birthday ng pinaslang na aktor na si John Apacible. Nangungulila kay John ang kanyang girlfriend na si Anna Leah Javier.

Si John ang ama ng anak ng two-month-old daughter ng dating sexy actress.

ANNA LEAH

CLAUDINE BARRETTO

DAVID ARCHULETA

ERIC QUIZON

GRETCHEN BARRETTO

HAYDEN

HAYDEN KHO

IWA MOTO

KATY PERRY

SABADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with