Sarah, gustong na ring magluto
Ngayong may food business na ang pamilya ni Sarah Geronimo na pinamamahalaan ng kanyang Mommy Divine na magaling din sa pagluluto at ng kanyang daddy Delfin ay gusto rin niyang matutong magluto.
Kapag may time si Sarah ay gusto niyang kumuha ng Culinary Arts. Hangang-hanga ito kay Judy Ann Santos na tapos ng Culinary Arts at magaling magluto.
May bagong show si Sarah titled Sarah G Live sa Channel 2 every Sunday kaya pahinga muna siya sa ASAP.
Radio La Verdad inilunsad sa UNTV
Noong New Year’s eve ng 2011 ay inilunsad ni Daniel Razon sa pamamagitan ng news advocacy na Tulong Muna Bago Balita ang News at Rescue Command Center.
Ngayong 2012 sinimulan ng radio broadcast journalist ang UNTV Radio La Verdad (1350khz). Pero sinabi ni Daniel Razon na ang UNTV Radio ay hindi isang teleradyo.
Ang kaibahan ng Radio La Verdad ay wala kang makikitang announcers sa booth kundi isang mobile radio na gagala sa mga lansangan para mangalap ng mga balita gaya nang sa Senado o sa daan na may trapiko.
- Latest