^

PSN Showbiz

KC enjoy sa mga kapatid sa ama!

- Veronica R. Samio -

Kakatuwa naman itong si KC Concepcion dahil siya palagi ang pinaka-excited na makilala ang mga kapatid niya sa amang si Gabby Concepcion.

Para tuloy siyang only child gayung alam mo naman na ate siya ng dalawang anak ni Sharon Cuneta, na mga babae rin, kay Sen. Kiko Pangilinan. Siya ang nagpasimunong ma-meet si Garrie, anak ni Gabby kay Grace Ibuna. When she learned na kumakanta ito, she was most excited to convince her to join showbiz. Now that Garrie is actively pursuing sa showbiz, KC is her most avid supporter.

When Jenny Syquia came home for a visit, she brought her daughter Chloe with her. Nag-effort na naman si KC to meet her sister at ang pagkikita’t pagkikilala nila ay ipinagmakaingay niya sa kanyang Twitter account. Inilagay pa niya ang litrato nilang magkapatid saying, “It was the best feeling in the world.”

Parang dumarami at lumalaki ang listahan ng mga Concepcion sisters. May talent din kaya si Chloe ng tulad nina KC at Garrie?

Kung meron, eh magsama-sama na silang tatlo sa showbiz.

Jolo nag-iisang nagbuwis ng buhay sa MY Binondo...

Maganda ang naging ending ng My Binondo Girl, feel good. Hindi na-disappoint ang mga manonood, matangi lamang marahil sa mga fans ni Jolo Revilla na siya lamang ang nagbuwis ng buhay sa serye. Maski na ang mga salbaheng characters nina Ricardo Cepeda at Cherry Pie Picache ay may ipinangakong magandang bukas, sa kabila ng malalaking kasalanan nila.

Kung may mga artista sa serye na gusto agad mapanood muli , ito ay sina Richard Chen, Laureen Uy at Marina Benipayo. Magaganda ang naging performance ng tatlong ito sa series.

Sharmaine nagbukas ng sariling Japanese resto

Nagbukas na ng kanyang Japanese restaurant at take-out counter ang ma­galing na singer, TV host at artistang (napapanood siya sa Kokak) si Sharmaine Santiago.

Tinawag niyang Mura-Murato Kezadon ang bago niyang business undertaking na matatagpuan sa #75 Xavierville Ave. at isang family business na pinatutulung-tulungan nila ng kanyang ina’t kapatid.

vuukle comment

CHERRY PIE PICACHE

GABBY CONCEPCION

GARRIE

GRACE IBUNA

JOLO REVILLA

KIKO PANGILINAN

LAUREEN UY

MARINA BENIPAYO

MURA-MURATO KEZADON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with