Rated K gagalaw ng oras pagpasok ng Sarah G. Live
Hindi naman pala ang Gandang Gabi Vice ang papalitan ng papasok na programa ni Sarah Geronimo sa ABS-CBN. Seven to 8:00 p.m. daw kasi ang magiging timeslot ng Sarah G. Live, pagkatapos ng Goin’ Bulilit. So ang magmo-move ay ang Rated K ni Ms. Korina Sanchez?
Saka hindi naman daw matatanggal totally si Vice sa ere dahil papalitan ang Gandang Gabi Vice ng The Singing V, yes as in The Singing Vice.
The Singing Bee ang original na title ng dating programa ng ABS-CBN na si Cesar Montano ang naging host, pero ngayon nga ay ibibigay na kay Vice na kakaiba naman ang concept.
Anyway, magkakaroon pala ng iba’t ibang co-host si Sarah every week sa programa niyang Sarah G. Live.
Na-e-excite na si Sarah na simulan ang programa na solong-solo niya.
Pulitiko nagpasaklolo sa kapwa pulitiko para sa problema ng kapamilya
Uy totoo kaya ang balitang lumapit si Mr. Pulitiko sa isang kapwa niya pulitiko para ma-solve ang problema ng isang taong malapit kay Mr. Pulitiko?
Yup, nagpapasaklolo na raw kasi ang naunang pulitiko sa kapwa niya pulitikong nasa mas mataas na posisyon para hindi na mademanda ang taong malapit sa kanya (Mr. Pulitiko).
Ang siste ini-refer daw sa isa pang opisyal ng gobyerno ang inilapit ni Mr. Pulitiko sa nasa mas mataas na posisyon. Kaya wala pa ring nangyayari.
Ewan kung anong kalalabasan ng kuwento.
Hintayin ko uling magkuwento ang isang source tungkol sa issue.
Angelito tinututukan
Mukhang naka-jackpot talaga si JM de Guzman sa pinagbibidahan niyang Angelito: Batang Ama.
Aba, marami palang nanonood nito.
Ang mga kasama ko sa bahay, memorize ang takbo ng kuwento ng Batang Ama.
Anyway, matapos ang matagal na paghihintay at paghahanapan, nagkita na nga sa wakas ang dating magkasintahang sina Angelito at Rosalie (Charee Pineda) sa tinututukang serye sa hapon, ang Angelito: Batang Ama.
Sa tulong ng private investigator na kinuha ni Andrew (Tom Rodriguez), natunton na ni Rosalie ang kanyang mag-ama. Isang madamdaming pagkikita nga ang pagsasaluhan ng pamilya sa mismong eskuwelahan ni Jun-Jun (Joshen Bernardo).
Sa kanilang muling pagkikita, muli ring malilito ang mga nag-aalab na puso nila. Bagamat may nararamdaman pa rin sa isa’t isa, may mga taong naghihintay at umaasa na sa pagmamahal nila— si Andrew kay Rosalie at si Jenny (Kaye Abad) kay Angelito.
Tuluyan na kayang mabuo muli ang pamilya nina Angelito, Rosalie, at Jun-jun?
Mapapanood ang Angelito: Batang Ama, tuwing 3:30 PM pagkatapos ng Heartstrings sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.
- Latest