^

PSN Showbiz

Star Records stars pinasaya ang Inside Showbiz Live!

-

MANILA, Philippines - Pumila ang maraming tao para makapanood ng mga paboritong Star Records artists sa Glorietta Activity Center na hawak-hawak ang January issue ng magasing In­side Showbiz. Ito ang pasaporte nila para sa ginanap kamakailan na Inside Show­biz Live! concert na tinambakan ng mga sikat at magagaling na performers.

Nagtilian ang mga fans sa pagsalang ni Jovit Baldivino at kinanta ang I’d Do Anything for Love. Sumunod naman si Liezel Garcia na kinanta ang Climb at ang popular na Gisingin ang Puso, ang theme song sa isang Korean novela. At ang huling guest sa unang set ay si Bugoy Drilon.

Ang next set ay pinangunahan ni Yeng Constantino. Nasorpresa ang crowd sa kanyang Eraserheads medley. Sumunod naman ang Sessionista singer na si Juris na nag-acoustic. Ang finale ay ang Prince of Pop na si Erik Santos. Kinanta niya ang ilang nakapaloob sa latest album na Awit Para sa ’Yo.

Tuwang-tuwa ang mga naunang fans sa venue dahil sa mga giveaways mula sa Sisters Napkin, Glutamax, Medical City, at Pregroe.

Ayon kay Rikka Dylim, ang Inside Showbiz executive editor, marami pang kaabang-abang na istorya at magagandang pictorials sa mga susunod na issue ngayong taon.

vuukle comment

AWIT PARA

DO ANYTHING

ERIK SANTOS

GLORIETTA ACTIVITY CENTER

INSIDE SHOW

INSIDE SHOWBIZ

JOVIT BALDIVINO

LIEZEL GARCIA

MEDICAL CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with