Aktres nag-pramis ng tulong sa bagong kaibigan na naglakas ng loob na bumili ng townhouse
Sobrang touched ang aktres na ito sa kaibigang aktres sa sinabi na ’pag nagkaproblema siya sa pagbabayad sa kinuhang townhouse, ipaalam lang sa kanya at tutulungan siya nitong magbayad. Sasagutin ng kaibigan niyang aktres ang monthly amortization hanggang kaya na uli niyang magbayad.
Nagulat at natuwa ang aktres sa gesture na ito ng kaibigang aktres dahil bago lang silang magkaibigan at naging close lang nang magkasama sa isang katatapos na soap. Kuwento ni Actress A, si Actress B ang nagpayo sa kanyang mag-invest ng townhouse hangga’t kumikita siya na kanyang sinunod.
Kumuha nga ng townhouse si Actress A at sa blessing nito, siguradong isa sa iimbitahan niya’y si Actress B na good influence sa kanya. Excited na rin si Actress A na mamuhay na hiwalay sa kanyang pamilya dahil ang ina lang ang makakasama niya sa biniling townhouse.
Kris nakipag-meeting na para makabayad ng ‘utang’ sa GMA Films
Nakipag-meeting na noong isang araw sina Atty. Annette Gozon at Joey Abacan kay Kris Aquino para siguro sa gagawing pelikula ng TV host-actress sa GMA Films kapalit nang pagpayag ng film outfit na gawin ni Dingdong ang Segunda Mano.
Inatasan ni Atty. Gozon ang anak na abogada na gumawa ng 12 pelikula ang GMA Films ngayong 2012.
Sarah nagpapatulong sa binuksan nilang pansitan
Natagalan si Sarah Geronimo na sabihing Tiffany necklace na may solong bato ang Christmas gift ni Gerald Anderson sa kanya na personal nitong ibinigay at isusuot niya. T-shirt naman ang gift niya rito. Inamin din nitong special sa kanya ang aktor mula nang makatrabaho sila.
Sa Feb. 19 sisimulan na ni Sarah ang musical show niya sa ABS-CBN na Sarah G Live directed by Erick Salud. Ninenerbiyos ito dahil sa time slot dati ni Sharon Cuneta ilalagay ang show niya, pero thankful at the same time na nabigyan siya ng chance na maipakita pa ang pagiging performer pa niya.
Dream guests niya sina Lea Salonga, Regine Velasquez, at Nora Aunor at gusto ring maka-duet si Asia’s Songbird.
“Kung puwede pa si Ms. Sharon (Cuneta), gusto ko rin siyang maging guest,” sabi ni Sarah.
Samantala, naglambing si Sarah sa press na tulungan silang i-promote ang Imo’s Pancit Malabon na nasa Mindanao Avenue. Sunod sa last three letters ng apelyido nilang Geronimo at tawag sa father niya sa PLDT noon ang name ng resto nila. Ibinalik lang ang negosyo nila dati na karinderya at sari-sari store, kaya ito ang pinasok na first business ng kanilang pamilya.
Ogie inggit sa Europe vacation nina Raymart at Claudine
May special appearance si Raymart Santiago sa Daldalita bilang si Tanzan, ang taong gubat na sasagip kay Daldalita at friend nitong si Goy. Dadalhin nito ang bata sa kanilang kubo at tutulong hanapin ang mga kasama sa bumagsak na eroplano.
Sa taping ng Daldalita nakakuwentuhan ni Ogie Alcasid si Raymart sa European vacation dahil magbabakasyon sina Raymart at Claudine Barretto roon at muling nagkainteres si Ogie na ituloy nila ni Regine Velasquez ang planong bakasyon.
- Latest