Kesa sa mga drama sa hapon, trial ni Corona mas inaabangan na
Maraming programa sa telebisyon ang nasasaktan sa nagaganap na impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona. Mas tinututukan ng mga manonood sa TV ang nagaganap na paglilitis at hindi mo naman sila masisisi dahil ang kahihinatnan nito ay magpapatunay kung dapat pa ba silang magtiwala o hindi sa nagpapatakbo ng ating kataas-taasang korte.
Hindi pa man napapatunayan ang kasalanan ni Corona ay gusto na nila itong maparusahan sa mga paratang pa lamang na isinampa laban dito. Tuloy mas lalong lumalakas ang kaso na laban din sa dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na sinasabing pinaboran ni Corona.
Sana maagang maresolusyunan ang impeachment sa namumuno pa rin ng ating Supreme Court para makabalik sa orihinal na takbo ang ating mga programa sa hapon. At harinawang mamayani ang katotohanan sa ginaganap na impeachment proceedings.
Ang gaganda ng mga bagong programa sa hapon pareho ng ABS-CBN at GMA 7. May ilan nang nagsimula pero ang bulto ay inaasahang eere sa panahong hindi na ganun kainit ang impeachment trial.
Iza hindi TF ang habol sa Kapamilya
Good luck Iza Calzado sa paglipat mo sa ABS-CBN. While everybody is transferring to TV5, siya ay sa Kapamilya pupunta. Hindi ang mataas na TF na maibibigay ng Kapatid Network ang naging pangunahin niyang konsiderasyon sa gagawin niyang paglipat.
Good luck!
- Latest