Baguhang aktor ginulat ang mga bakla sa haba ng sandata!
PIK : Sa Feb. 19 na magsisimula ang bagong show ni Sarah Geronimo sa ABS-CBN. Sarah G Live ang pamagat na kung saan live itong kakanta pati ang mga special guests niya.
“Feeling ko niyan every Sunday nasa Araneta ako nagko-concert kasi live talaga kaming magpe-perform,” medyo nahihiya pang pahayag ni Sarah.
Hindi na muna siya kasali sa ASAP Rocks dahil sa live show nito kinagabihan.
PAK: May frontal nudity ang isang baguhang aktor sa isang indie film na malapit nang mag-showing.
Kuwento ng ilang staff, hindi naman makikita ang buong ari nito, konti lang daw na hindi ang kabuuan nito.
Maayos na nakunan ang eksena na naloka ang buong staff pagkatapos ng take nang ipinakita ng baguhang aktor ang buong ari niya na meron palang inilagay na plaster na ang ulo lang nito ang tinakpan. Sa haba pala nito, hindi nasilip ang plaster kundi ang bahaging katawan lang ng kanyang sandata. Parang natulala ang mga kabadingan nang ipinakita ito ng baguhang aktor.
Mapapanood n’yo ang nakakalokang eksena sa pelikulang Bola na magpi-premiere sa UP Film Center sa darating na Sabado, 7:00 p.m.
BOOM: Kahit aligaga sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez sa promo ng nalalapit nilang concert na Mr. and Mrs. A na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum sa Feb. 14, pinagkakaabalahan din nila ngayon ang binyag ng kanilang anak na si Baby Nate.
Sa Linggo na ang binyag sa Don Bosco Church. Siyam na pares na ninong at ninang ang kinuha nila, at ilan sa mga ito ay sina Sen. Bong Revilla, Jr. ang mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao, Dingdong Dantes, Kris Aquino, AiAi delas Alas, at ilan sa mga kapatid nila ni Regine.
Bale binyag pa lang ’yun sa Catholic church at sabay na ring pagpapakilala sa mga kaibigan ang kanilang anak.
Meron pang dedication sa kanilang mga Christian, pero wala pa itong schedule.
Sina Gary Valenciano at Piolo Pascual ang ilan naman sa mga ninong na kukunin sa dedication.
- Latest