^

PSN Showbiz

Legacy pinag-usapan sa Twitter!

-

MANILA, Philippines - Nag-umpisa na ang pinag-uusapang glossy-drama masterpiece ng GMA ang Legacy. 

Ang nasabing serye ay naging worldwide trending topic at nanguna rin ito sa most trending topics sa Pilipinas sa sikat na micro-blogging site na Twitter. 

Ang isa sa mga bida na si Lovi Poe na gumaganap bilang Natasha ay nagpahayag ng kanyang kagalakan sa matagumpay na pilot episode ng Legacy, “I would like to thank everyone who watched Legacy’s pilot episode and made it trend on twitter. They should look forward to viewing more intense episodes. 

Sa pagpapatuloy ng kuwento, dahil sa kanyang nalaman na mahal pa rin ni Dennis Trillo (batang Cesar) si Bianca King (batang Isabel). Susubukan ni  Chynna Hortaleza (batang Eva) na kumprontahin ang babae, magkakaroon ng gulo na magdudulot sa mga rallyistang trabahador na makulong, kasama dito sina Isabel at Lucio, ang kanyang masugid na manliligaw. Aasa si Isabel na gagawa ng paraan si Cesar para makalabas sila ng kulungan. Natupad ang kanyang inaasahan, naiurong ang kaso laban sa kanila at sila ay nakalaya. 

Sa sobrang kagalakan ni Isabel, nagmamadali siya patungo sa opisina ni Cesar para magpasalamat sa naitulong nito. Ngunit ikagugulat nito ang pagpapaalis sa kanya ni Cesar sa kumpanya at pagpuputol sa kanilang magandang relasyon. Hindi kinaya ni Isabel ang kanyang mga narinig, guguho ang kanyang mundo. Sa sobrang lungkot at depression, mahihimatay siya. Dadalhin siya ni Lucio sa ospital. Ikagugulat nila ang balita na siya ay nagdadalantao. Mangangahas siyang sabihin ito kay Cesar ngunit palalayasin siya ni Eva. 

Haharapin ni Eva ang kanyang kinatatakutan na baka iwanan siya ni Cesar kapag malaman nitong nagdadalantao si Isabel. Kukumbinsihin si Eva ng kanyang ina na paninidigan na lamang ang pagpapanggap na siya ay buntis. Hahanap sila ng batang maampon para maging matagumpay ang kanilang mga plano. Papangalanan nila ang bata na Natasha. 

Huwag magpahuli sa mga tumitinding tagpo sa Legacy  pagkatapos ng Munting Heredera sa hindi mapantayang GMA Telebabad.

vuukle comment

BIANCA KING

CHYNNA HORTALEZA

DENNIS TRILLO

EVA

KANYANG

LOVI POE

LUCIO

MUNTING HEREDERA

NATASHA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with