Sweet, hinamon ang galing sa Ikaw ang Pag-ibig
MANILA, Philippines - Maganda ang pasok ng 2012 para kay John ‘‘Sweet’’ Lapus dahil marami ang projects ang naka-line-up sa kanya. Sa pag-uumpisa ng bagong taon, sobrang saya ng actor-host-comedian na personal na mapili para sa isang important role sa episode ng Ikaw ang Pag-ibig.
Nag-umpisa si Sweet na mag-taping sa nasabing teleserye bilang Max na miyembro ng sindikato at napilitang magbenta ng bata para maipagamot ang malubhang ina na ginampanan ni Anita Linda. Aminado naman si Sweet na overwhelmed siya sa magandang oportunidad na binigay ng Dos bagamat mas madalas siyang napapanood sa ibang station. ‘‘Flattered ako! I’m happy to be working again with former workmates and friends. They welcomed me with open arms. Maski yung mga utility at crew kilala pa rin ako,’’ kuwento ni Sweet.
Hindi naging mahirap para sa kanya na tanggapin ang mapangahas na role dahil na rin sa tulong ng dalawa sa kanyang malapit na kaibigan sa show. ‘‘Its an honor for me to be working with two of my friends in the business, Direk Jojo Saguin and Direk Erik Salud. Magaan lahat sa set at naging madali lahat,’’ dagdag pa ni Sweet.
Magpapatuloy ang pakikipagsapalaran ni Sweet bilang Max sa Ikaw Ang Pag-ibig gabi-gabi pagkatapos ng TV Patrol.
- Latest