Matteo hirap humalik kay Maja!
Sinabi ni Matteo Guidicelli sa presscon ng unang pelikula na pinagtambalan nila ni Maja Salvador, ang My Cactus Heart, na kahit girlfriend na niya si Maja ay nahirapan siya sa kissing scene nila sa movie.
“Nahiya ako kasi maraming nanonood. Hindi ako sure kung okay ba ang ginawa ko kaya I requested for another take. I was more relaxed sa second take,” paliwanag niya.
Marami ang nagtataka why all of a sudden ay open na si Maja sa relasyon nila ni Matteo. Dati ay napakamalihim nito, lalo na sa press. Lahat ng tungkol sa kanila ay nanggaling kay Matteo. Even the fact na hindi siya agad tinanggap ng mga magulang nito ay sinasabi na niya. Ang importante sabi niya ay tanggap na nila siya ngayon. Sa kanya rin galing ang patuloy na pagpaparamdam ni Matteo ng pagmamahal sa kanya.
“Parang nanliligaw siya palagi. Lagi niya akong pinapakilig sa mga pagpapakita niya ng pagmamahal sa akin,” pag-amin ng aktres na nagsabi rin na hindi siya nagkukulang kay Matteo ng kanyang love dito.
Lovi walang oras kay Ronald Singson
Mukha namang na-miss ni Lovi Poe si dating Cong. Ronald Singson. Mangiyak-ngiyak ito habang pinapanood ang lalaking hindi niya nakita ng 10 buwan at hindi pa rin niya maamin kung nakarelasyon niya o hindi nang sabay silang mag-guest sa Showbiz Central nung Linggo. Hindi pa nagkikita’t nagkakausap ang dalawa pero sinabi ni Ronald na kailangan nilang mag-usap na sinagot naman ni Lovi sa kanyang interview na mahirap mangyari ngayon dahil sa sobrang kaabalahan niya.
Show ni Vice lalagyan ng co-host
Mukhang hindi desisyon ng ABS-CBN ang pagpapalit ng format ng Sunday show ni Vice Ganda kundi ni Vice na mismo. Pagod na raw yata ito sa pagpapatawa kaya ang gusto naman niyang pagtuunan ng pansin ay ang kanyang pagkanta.
Huling Linggo na ng Gandang Gabi Vice sa Linggo (Jan. 22). Pagkatapos nito, ibang format na. Tanging si Vice lamang ang mare-retain, ang lahat ng tungkol sa show ay mapapalitan kasama na ang titulo nito.
Mukhang maraming palabas ng Dos ang magbabago. Ang Happy Yipee Yehey ay una nang nabalitang ire-reformat. Pero, ang huling balita naman ay mawawala na talaga ito at sa halip, sa slot nito ilalagay ang It’s Showtime na mula’t simula hanggang sa ngayon ay ganun pa rin kalakas ang rating.
Hindi naman kataka-taka kung marami man ang tumatangkilik ng Showtime. Kahit pa sabihing may pagka-Pilipinas Got Talent. Pawang mga dance groups ang sumasali rito, mga grupo ng mga amateur dancers na puwedeng- puwedeng sumali at manalo sa PGT pero talagang pinangangatawanan ang pagsali sa programang nagtatampok sa napakaraming hosts and judges. Walang manonood ang magsasabing hindi magagaling ang mga sumasali sa It’s Showtime, ang kailangan lamang ay pagsulong sa mga winners para magsilbing attraksiyon ng palabas. Katulad nang ginawang pag-build up kay Jovit Baldivino at Marcelito Pomoy at maski na kay Angeline Quinto na nanalo rin sa isang singing contest na isinagawa nila. Kapag nagkaroon ng isa pang singing contest ang Dos ay siguradong dudumugin muli, if only to equal if not duplicate Angeline’s success.
- Latest