^

PSN Showbiz

Binyagan ni Nate very private lang!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Bibinyagan sa darating na Linggo si Nate, ang anak nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid.

Hindi pa nagbibigay ng detalye ang mag-asawa tungkol sa magaganap na binyag kaya siguradong uusisain sila ng mga reporter na dadalo sa grand presscon ng Mr. & Mrs. A, ang Valentine concert nila sa Smart Araneta Coliseum sa February 14.

 Ang alam ko, bibinyagan si Nate sa isang simbahan sa Makati City at magiging very private ang okasyon.

At kung  sakaling pumayag sina Regine at Ogie na  magkaroon ng live TV coverage ang binyag kay Nate, posibleng limitado ang bilang ng TV crew na papayagan na makapasok sa loob ng simbahan.

Rhian wala pa ring tigil sa kaka-trabaho

Maagang natapos ang shooting ko sa My Kon­trabida Girl noong Lunes.

Manager ng karakter ni Rhian Ramos ang role ko sa exciting movie ng GMA Films na hinuhulaan na magiging blockbuster dahil kasali ako sa cast.

Mga bagets ang direktor at production staff ng My Kontrabida Girl. Bilib ako sa kanila dahil mabilis silang magtrabaho at very organized ang shooting kaya hindi nagkaroon ng aberya.

Si Jade Castro ang direktor ng My Kontrabida Girl at siya rin ang direktor ng mega hit na Zombadings.

So more or less, may idea na kayo kung gaano kaganda ang comedy movie na pinagbibidahan namin nina Rhian at Aljur Abrenica.

Talagang inako ko na bida rin ako ng pelikula ‘huh!

Mga nakapila sa show ni Pacman dedma sa ulan

Kagabi ang taping ng Manny Many Prizes sa GMA Network dahil hindi available sa Sabado si Congressman Manny Pacquiao.

May important appointment si Papa Manny sa Mindoro at minabuti ng production staff na i-tape ang episode. Mabuti na ‘yon kesa pumunta sila sa Mindoro at doon magkaroon ng live show.

Napadaan ako kahapon sa GMA 7 area kaya na-sight ko ang napakaraming kababayan natin na nakapila na umaasa na maging contestant sila sa game show ni Papa Manny.

Umuulan kahapon pero dedma ang mga gustong manood ng Manny Many Prizes. Hindi sila umalis sa pila dahil sa hope na mapipili sila bilang mga contestant at papalarin na makapag-uwi ng limpak-limpak na datung.

Sharon nagpakita na sa show ng TV5

Matapos maging opisyal na Kapatid, special guest si Sharon Cuneta sa programa ng TV5 ngayong linggo sa morning show na Kumare Klub.

Ibabahagi ni Sharon ang kanyang papel bilang ilaw ng tahanan sa Parentin ngayong Miyerkules (Enero 18).

Sa kanyang interview kay Nyora Chiqui Roa-Puno, pag-uusapan ng dalawa ang role niya bilang ina nina KC, Frankie, Miel at Miguel at pagiging may-bahay ni Senator Kiko Pangilinan.

Magbibigay ng tips si Sharon kung paano mananatiling healthy sa kabila ng busy schedule.

Huwag palampasin ang guesting ni Sharon sa Kumare Klub dahil tiyak na marami kayong matututunan tungkol sa lifestyle ng one and only Megastar ng Pilipinas.

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

CHIQUI ROA-PUNO

JADE CASTRO

KIKO PANGILINAN

KUMARE KLUB

MAKATI CITY

MANNY MANY PRIZES

MY KONTRABIDA GIRL

NATE

PAPA MANNY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with