^

PSN Showbiz

Linya ng telepono ni Daboy tuloy ang pagbabayad ni LT

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK : Tuwang-tuwa si Lorna Tolentino na ipinakita sa amin ang bagong Iphone 4S na nakuha niya bilang reward sa Globe line ni Kuya Rudy Fernandez.

Hindi kasi pinaputol ni Lorna ang linya ng phone ni Kuya Rudy at minsan ay ginagamit niya ito.

Nang ni-renew daw ng Globe ang subscription nito, may reward na Iphone 4S na ibinigay sa kanya at nakuha niya ito bago ang kanyang kaarawan nung nakaraang December.

Kaya feeling daw niya, regalo ‘yun ni Kuya Rudy sa kanya, at nagugulat daw siya kahit mahirap daw itong gamitin, basta na lang daw niya nakukuha agad na parang alam na alam niya. “Nagkakaintindihan kami nitong Iphone ko eh,” natutuwa niyang kuwento sa amin.

Mga reporter natakot  Ilocos nilindol nang dumating si Ronald Singson

PAK: Lumindol pala sa Ilocos Sur madaling araw ng Linggo pagdating ni Ronald Singson.

Takot na takot daw ang ilang reporter na naiwan doon, dahil malakas daw na niyugyog ang hotel na tinitirhan nila.

Ganun daw kalakas ang dating ni Ronald na lumaya na sa halos isang taon niyang pagkakulong sa Hong Kong.

Annabelle Rama ginaganahan sa maraming demanda

BOOM: Dininig sa piskalya ng San Juan kahapon ng umaga ang kasong Theft na isinampa ni Annabelle Rama laban kay Nadia Montenegro.

Ito ang unang hearing na dinaluhan ni Tita Annabelle sa taong 2012 at okay lang daw na marami siyang dadaluhang hearing.

Feeling daw niya, pampagana niya ang mga kasong hinaharap niya nga­yon.

Pursigido raw siya sa mga kasong isinampa niya laban kay Nadia, at hindi raw siya natatakot sa mga hinaharap din niyang kaso kay Nadia.

ANNABELLE RAMA

DAW

HONG KONG

ILOCOS SUR

IPHONE

KUYA RUDY

KUYA RUDY FERNANDEZ

LORNA TOLENTINO

NIYA

RONALD SINGSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with