'Sana si Matteo na' - Maja
Kung ang hiling ni Maja Salvador ang masusunod, gusto niya na si Matteo Guidicelli na ang makatuluyan niya sa buhay. Pero dahil nasa mga unang bahagi pa lamang sila ng kanilang relasyon at nagsisimula pa lamang makilala ang isa’t isa kung kaya hindi nila minamadali ang kanilang relasyon. Kung nagpaplano man sila, hindi para sa ngayon, kundi makaraan ang mga limang taon pa. Inamin ni Maja na walang kinalaman dito ang sinasabing pag-ayaw sa kanya ng mga magulang ni Matteo.
May pagmamalaking sinabi ng aktres na tanggap ang beauty niya ng pamilya ng champion car racer sa presscon lang ng My Cactus Heart. Dati, si Matteo lamang ang nagsasalita tungkol dito.
One year in the making ang pelikula nilang My Cactus Heart. Katunayan, inabot na ito ng ilang tampuhan nila na ang pinakahuli, ayon sa malalapit sa kanila, ay umabot sa hiwalayan. At kaya lamang sila lovey-dovey ay para nga sa kanilang movie.
Pero idinenay ito ng young couple.
“Hindi ito totoo. Nagkakatampuhan man kami, hindi ito mga serysosong away. Before hindi pa alam ni Matteo kontrolin ang damdamin niya. At madalas pabagu-bago siya ng isip. But he has changed a lot,” sabi ni Maja.
Sabi naman ni Matteo, “Hindi ko kaya na more than two days kaming hindi mag-uusap. Siya puwedeng magkulong ng kuwarto at hindi makipag-usap. Kaya ako palagi ang nanunuyo.
“Maja is a really sweet person but misunderstood. Love niya lahat ng nasa paligid niya. Gagawin niya lahat ng magagawa niya para sa mga taong mahal niya, even at her own expense. Madalas nakakalimutan na niya ang sarili niya.
Sinabi ng direkor ng My Cactus Heart na si Enrico Santos na totoong inabot ng mga isang taon bago nila natapos ang pelikula pero dahilan ito sa isang eksperimento ng Star Cinema. Ginawa nila itong half-mainstream at half-indie film bilang pagtugon sa newly indie spirit. “Kaya nga pati title weird,” sabi pa nito.
Tungkol ang My Cactus Heart sa isang babae (Maja bilang Sandy) na mula sa isang magulong pamilya. Hindi siya naniniwala sa happily ever after, kaya lahat ng manliligaw niya ay binabasted niya. First time namang nagbibida si Matteo at ipinakita niya kung bakit siya ang dapat na next important male lead ng Star Cinema.
Introducing naman si Xian Lim na sa TV ay nagpapakita na ng lakas bilang isa ring bidang lalaki. Silang tatlo ang bubuo ng pinaka-bagong love triangle sa big screen simula sa Jan. 25.
Bea Saw never papatulan si Kim Chiu
Habang hinihintay ng press ang pagdating ng mga bida ng My Cactus Heart na itinakda ng 2 p.m. pero pumunta pa muna sa mga programang Happy Yipee Yehey at E Live para sa promosyon ng pelikula kung kaya naisip ng mga nasa likod ng presscon na para hindi mainip ang press ay ipa-interview muna ang ilang mga naunang miyembro ng cast na nasa holding area at matagal na ring naghihintay ng kanilang mga kasama.
We were fortunate na makausap si Bea Saw, remember her as a grand winner of Pinoy Big Brother (PBB) 2007?
Maganda at very witty ang PBB winner at bagama’t pawang mga supporting roles ang palaging ibinibigay sa kanya ay wala siyang reklamo at kuntento sa takbo ng kanyang career.
Marami siyang serye na nasasamahan at pelikulang ginagawa (Tanging Ina Last Na ’To, My Amnesia Girl, Precious Hearts Present, Magkaribal). Dapat ay kasama rin siya sa Maria la del Barrio pero dahil sa My Binondo Girl ay hindi siya nakapasok dito. Role niya ang isang babaeng nagkagusto sa lalaking Kim Chiu. Boss siya at manager ni Matteo sa MCH. Hindi ka-triangle nina Maja at Matteo dahil foursquare ang dalawa with Xian Lim and Bettina Carlos.
Obvious na ayaw ni Bea ng mga kissing scenes pero sinabi niya na for the love of acting, she’s willing to reconsider.
Kahit pinagsasabong sila ni Kim dahil pareho silang PBB winner at pareho ring may dugong Intsik, hinding-hindi papatulan ni Bea ang pang-iintriga sa kanilang dalawa. Puwede siyang kontrabida sa kanyang mga roles pero hindi sa tunay na buhay.
Sharon wish na hindi makatapat si KC
Hiling ni Sharon Cuneta na sana ay hindi pagtapatin ang programa nila ni KC Concepcion ng kinabibilangan nilang network na TV5 at ABS-CBN pero kung hindi ’yun mapipigilan, wala silang magagawa pareho kundi gampanan ang trabahong iaatang sa kanila.
Both mother and daughter believe na no amount of work can set them apart. Mas naging malapit sila matapos ang hindi magandang naging karanasan ni KC sa pag-ibig. Walang bagay o trabaho ang magbibigay ng puwang sa kanilang pagitan.
Jose Manalo nagpapakita na ng kakaibang ugali
Sana hindi totoo na nagbabago na ng ugali si Jose Manalo na sinasabing dulot ng kanyang kasikatan. May personal appearance daw ito na ginawa na kung saan ay binigo niya ang lahat ng taong kanyang dinatnan sa venue dahil opposite ng kanyang ugaling araw-araw ay namamalas sa TV ang nakita ng lahat.
Bukod sa tamad itong makihalubilo at halos ayaw magpakuha ng larawan sa iba, ibang-ibang talaga ang nakita sa kanya ng kanyang mga dinatnan sa kanyang pinuntahan.
Ang mga ganitong pag-uugali naman kapag nakarating sa kaalaman ni Bossing Vic Sotto ay hinding-hindi niya kukunsintihin. In his presence, sinasabing walang maipipintas kay Jose, at maging sa ka-tandem niyang si Wally Bayola.
May nakatakdang major concert sina Jose at Wally sa Smart Araneta Coliseum na inaasahang tatangkilikin ng lahat pero kung ganyang maraming nagtatampo kay Jose, hindi kaya ito makaapekto ito sa kanilang konsiyerto?
- Latest