^

PSN Showbiz

Sarah balik-ASAP ngayon!

-

MANILA, Philippines - Maki-piyesta ngayong Linggo (Enero 15) sa ASAP 2012 kasama ang pi­na­kamalalaking pangalan sa showbiz sa pangunguna ng ASAP Kapamilya mainstays na sina Gary Valenciano, ZsaZsa Padilla, Luis Manzano, Cristine Reyes, Sam Milby, Jericho Rosales, at ang pinakaaabangang pagbabalik ni Sarah Geronimo.

Sisimulan ang pagdiriwang sa ‘ultimate’ birthday surprise para kina Ultimate Heartthrob Piolo Pascual at Ultimate Multi-media Star Toni Gonzaga.

Pakikinangin naman ang ASAP concert stage ng mga powerhouse cast ng pinakabagong handog ng Star Cinema na My Cactus Heart, at apat na Kapamilya teleserye kabilang ang malapit nang magtapos na My Binondo Girl at ang mga bagong seryeng Walang Hanggan, Lumayo Ka Man Sa Akin at Luv U.

Magpapasalamat sa Jandy at Janyx fans sina Kim Chiu, Xian Lim, Matteo Guidicelli, at Jolo Revilla at mag-aanyaya na tutukan ang dragon finale ng My Binondo Girl.

Samantala, naglalakihang bituin ang mag-iimbita para sa nalalapit na pagbubukas ng kuwento ng Walang Hanggan. Darating sa ASAP 2012 sina Coco Martin, Julia Montes, Richard Gomez, Dawn Zulueta, Melissa Ricks, Paulo Avelino, Joem Bascon, Rita Avila, plus Philippine showbiz royalties Eddie Guttierez, Helen Gamboa, at Susan Roces!

Siksik din sa world-class concert performances mula kina Vina Morales, Christian Bautista, Angeline Quinto, Jed Madela, Erik Santos, Yeng Cons­tantino, Jovit Baldivino, Marcelito Pomoy, Vincent Bueno, Nikki Gil, Zia Quizon at sa ASAP Sessionistas. Tutukan din ang back-to-back album launche nina Aiza at OPM legend Basil Valdez. Isa pang espesyal na sorpresa ng Parokya ni Edgar.

Gayundin, todo-hataw din ang ipapasiklab ng ASAP Supahdancers na sina Rayver Cruz, Gab Valenciano, Sam Concepcion, Enchong Dee, Enrique Gil, Iya Villania, Empress, at Maja Salvador.

ANGELINE QUINTO

BASIL VALDEZ

CHRISTIAN BAUTISTA

COCO MARTIN

CRISTINE REYES

DAWN ZULUETA

EDDIE GUTTIEREZ

ENCHONG DEE

MY BINONDO GIRL

WALANG HANGGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with