^

PSN Showbiz

Gladys binitin ni Ate Guy

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK: Abala ngayon si Jolo Revilla sa paghahanda sa 7th birthday ng anak niyang si Gab.

Bukas ang selebrasyon nito na gaganapin sa Ayala Alabang Country Club.

Katulong ni Jolo sa paghahanda si Cong. Lani Mercado dahil abala naman ang aktor sa taping ng My Binondo Girl.

Dadalo kaya si Kris Bernal na mukhang tanggap na tanggap na ng pamilya ni Jolo?

PAK: Inamin ni Gladys Reyes na masama ang loob niya kay Nora Aunor dahil sa ‘di nito pagsipot sa taping ng Moments.

Matagal nang nag-confirm sa guesting ni Nora kaya pinaghandaan nila ito. Nagpa-cater pa sila para sa Superstar pero nung mismong araw ng taping, big­lang nagpasabing hindi na ito makakarating dahil may sakit daw.

Sabi ni Gladys, sana naniwala na lang daw siya sa sinabi sa kanya ni Manay Lolit Solis na huwag umasang darating ang Superstar.

BOOM: May exclusive interview si Janelle Manahan sa Startalk na mapapanood ngayong araw.

Doon inilabas ni Janelle ang lahat na mga saloobin niya sa pamilya ni Ramgen Revilla.

Maingat si Janelle sa mga sagot niya nang in-interview ito ni Butch Francisco dahil nasa korte na ang kaso at nagsampa pa ito ng kaso laban sa pamilya ni Ramgen dahil sa pagkalat ng kanilang sex video.

Mabuti at suportado raw siya ng kanyang pamilya sa ipinaglalaban nito, pero kahit nalantad na siya sa kahihiyan, mas concern pa rin ni Janelle ang hustisya sa pagkamatay ni Ramgen.

“Nangako ako sa kanya (Ramgen) na hahanapin ko yung justice para sa kanya. ‘Yun ang last thing na puwede kong gawin for him.

“Kahit anong mangyari, kahit anong ibato nilang paninira or kahit sino pa ang idamay nila, hindi ko bibitiwan yung case at ‘yung fight for justice,” umiiyak na pahayag ni Janelle sa Startalk.

AYALA ALABANG COUNTRY CLUB

BUTCH FRANCISCO

GLADYS REYES

JANELLE

JANELLE MANAHAN

JOLO

JOLO REVILLA

KRIS BERNAL

LANI MERCADO

RAMGEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with