^

PSN Showbiz

Coco lumalayo tuwing nakikita si Kris

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

May lumabas na prediksyon kamakailan na magkakaanak daw si Kris Aquino sa aktor na si Coco Martin kaya ngayon ay iniintriga na ang magkaibigan na mayroon silang espesyal na ugnayan. “Napakalaki ng respeto ko kay Miss Kris at sa pamilya Aquino. Sabi ko, siguro malabo mangyari ‘yon. Parang pamilya ang turing nila sa akin. Ate ko ‘yon, kumbaga nire-respeto ko, parang imposible ang hula,” pahayag ni Coco.

Kahit ilang beses nang nagkasama at nagkatrabaho sina Kris at Coco ay nahihiya pa rin daw ang aktor sa Queen of All Media. “Minsan kahit nandiyan na siya, alam ko tatawagin niya ako, lumalayo ako kasi nahihiya ako,” giit pa ng aktor.

Magkaibigan lamang daw ta­la­ga ang dalawa kaya hindi talaga magkakaroon ng atraksiyon si Coco kay Kris.

Sa naging live guesting ng aktres sa Gandang Gabi Vice noong isang Linggo ay pabirong sinabi ni Kris na posible raw na magkatotoo ang hula tungkol sa kanila ni Coco dahil parehong tao raw ang nang­hula na lalaki ang ipinagbubuntis niya noon (Baby James) at magkakahiwalay sila ni James Yap. “Hindi naman nagulat. Actual­ly, no­ong narinig ko siya hindi ko na lang pinansin. Kasi ang dali namang magsabi nun. Noong sinabi ni Miss Kris ‘yon, alam ko nagjo-joke lang ‘yon, nagbibiro lang ‘yon,” kuwento ng aktor.

Naging malapit si Coco sa pamilya Aquino noong ginawa niya ang indie film na Noy. Ayon pa sa aktor ay wala raw talagang espesyal na namamagitan sa kanila ni Kris. “I think hindi aabot sa ganoon. Ang Aquino family kasi mula noong nag-Noy ako na movie and then nakasama ko silang buong pamilya, parang turing nila sa akin pamilya,” giit pa ni Coco.

Puso ni Kim open Kay Xian

Kamakailan ay sinorpresa ni Xian Lim si Kim Chiu sa set ng My Binondo Girl. Hindi raw naka-call sa location ang binata noong oras na iyon pero nagpunta si Xian para magbigay ng isang regalo kay Kim. Nagulat ang lahat ng cast, staff at crew ng serye nang may nagpuntang isang grupo ng choir sa tent ni Kim para kantahan ng You ng The Carpenters ang dalaga. Kinilig ang lahat nang iabot ni Xian kay Kim ang kanyang regalo na may kasama pang mga bulaklak.

Hindi raw nagkaroon ng coverage ang nasabing surprise gift ni Xian kay Kim dahil ayon sa aktor ay ayaw daw niya itong maging showbiz event. Ginawa ito ni Xian kay Kim dahil espesyal daw talaga ang dalaga para sa aktor.

Natuwa naman si Kim sa sorpresang ibinigay sa kanya ni Xian. Handa na kayang muling makipag-relasyon si Kim pagkatapos ng kanilang hiwalayan ni Gerald Anderson noon? “Open naman, open naman ako to someone else and I want to take things slow, step by step para sigurado ka sa nararamdaman mo at hindi ka mabigla,” maikling pahayag ni Kim.

Reports from JAMES C. CANTOS

AKTOR

ANG AQUINO

AQUINO

BABY JAMES

COCO

COCO MARTIN

GANDANG GABI VICE

KIM

MISS KRIS

XIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with