Kilalang aktres banned sa birthday party ng sariling apo
PIK: Tuwang-tuwa si Mike Tan at siya ang napiling paparangalan bilang model of the year sa nalalapit na Asian Model Search na ginaganap sa South Korea.
Nakatakda siyang umalis pa-Korea sa susunod na linggo kasama sina Gwen Zamora at Marvin Keiffer na sasali sa naturang competition.
Akala nga niya hindi na siya matutuloy dahil ayaw siyang payagang umalis sa taping ng Kung Aagawin Mo ang Langit.
Mabuti na lang at naayos daw ng GMA Artist Center kaya matutuloy na ang pag-alis para tanggapin ang naturang award.
PAK: Malapit na ang birthday ng apo ng isang kilalang aktres. Ang problema ayaw siyang papuntahin ng kanyang anak na ina nitong bagets.
Matagal nang galit sa kilalang aktres ang kanyang anak at ayaw na niya itong makita.
Pero pinakiusapan pa rin ang anak na imbitahin na rin ang kanyang ina at baka kung ano na naman ang sasabihin nito.
Gusto naming daluhan ang birthday party para masaksihan kung ano ang dramang magaganap kung sakaling biglang dumating si kilalang aktres na lola ng bagets.
BOOM : Sa presscon ng bagong drama series ng GMA 7 na Legacy, hindi naiwasan ni Lovi Poe na sagutin ang isyu pa rin kay Ronald Singson na malapit nang lumabas sa kulungan sa Hong Kong.
Naikuwento ni Gov. Chavit Singson na dumalaw doon si Lovi nung nakaraang November para batiin si Ronald sa kanyang kaarawan.
Ayon kay Lovi, “ I don’t want to answer about that. Because you know I’m clueless and I’m just living my life, and wala, gusto ko lang tuluy-tuloy sa trabaho ko and I’ve learned to focus on my job. I wanna keep it private sana.
“From the beginning naman nakita n’yo ang support ko sa kanila. I’m thankful naman na malapit na siyang lumabas, and I may not be there, but my support will always be there.”
Excited din siya sa nalalapit na pagsisimula ng Legacy kaya dito na raw muna siya mag-focus at pagdating sa personal niyang issue, sa kanya na lang muna ’yun.
- Latest