^

PSN Showbiz

Sama ng loob ni Mother Lily sa MMFF ang bilis lumipas

RATED A - Aster Amoyo -

Isa kami sa dumalo sa intimate belated birthday dinner para sa dalawang well-loved showbiz persons – sina Manay Ichu Macedea at Ronald Constantino na ginanap sa Vera Perez function room nung nakaraang Huwebes (Jan. 5) ng gabi. As always, bukod sa mga piling-piling bisita, looking forward kami parati sa inihahandang pagkain ni Manay Ichu na sa totoo lang, doon lamang namin natitikman.  Mahilig din si Manang Inday (Susan Roces) na magpada ng pagkain and this time, nagpadala siya ng pritong dried dilis na kakaiba ang lasa. 

Unfortunately, hindi nakadalo ang movie queen dahil meron itong taping ng Walang Hang­gan but she was represented by her unica hija, ang MTRCB chair na si Mary Grace Poe-Llamanzares.  Isa sa mga dumalong bisita ay si Mother Lily Monteverde na kung tutuusin ay may `gap’ kay Manay Ichu dahil isa ito sa miyembro ng MMFF executive committee. Sumama ang loob ni Mother Lily sa execom ng MMFF dahil sa pagkaka-disqualify ng kanyang MMFF entry na Yesterday, Today and Tomorrow sa major awards, although ang naturang pelikula ang nagbigay ng Best Actress award kay Maricel Soriano

Sa totoo lang, Salve A. hindi talaga nawawala ang samaan ng loob o kung hindi man tampuhan sa showbiz pero ang mahalaga, agad naman ito nare-reselba. 

Pagbalik sa radyo ni Korina, kinatuwaan

Tiyak na maraming mga tagahanga ni Korina Sanchez sa radio ang natuwa sa kanyang pagbabalik-radyo na mahigit dalawang taon din niyang `iniwan’ para harapin ang maraming bagay na may kinalaman sa kanyang pagiging maybahay ni Sec. Mar Roxas. Last Monday ay muling bumalik si Korina sa teleradio ng DZMM pero sa ibang time slot na, alas-10:00 ng umaga na may pamagat ng Rated Korina na spin-off sa kanyang lingguhang magazine TV show sa ABS-CBN, ang Rated K na napapanood every Sunday evening.

Walang tulugan dinagdagan ng showbiz tsikahan portion

Gusto naming pasalamatan ang Master Show­man na si Kuya Germs dahil sa kanyang pag­bibigay ng puwang sa inyong lingkod na ma­pa­bilang sa kanyang long-running TV program sa GMA (15 years), ang Walang Tulugan bilang segment co-host ng Anong Say Mo na magsisimulang mapanood ngayong late Saturday night o midnight ng Linggo. Every week ay magkakaroon kami ni Kuya Germs ng talakayan tungkol sa maiinit na issues sa showbiz.

Speaking of Kuya Germs, hindi nito ikinakaila na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa na ma-revive ang kanyang youth-oriented program na That’s Entertainment na tumagal ng sampung taon.

vuukle comment

ANONG SAY MO

BEST ACTRESS

ICHU MACEDEA

KANYANG

KORINA

KORINA SANCHEZ

KUYA GERMS

LAST MONDAY

MANAY ICHU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with