^

PSN Showbiz

Charice naka-wheelchair bumalik ng 'Pinas!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

MANILA, Philippines - Naka-wheelchair nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport si Charice dahil sa foot injury kahapon. Ang paliwanag niya : “Actually ang nangyari po noong Pasko dahil ako ay malikot, nag-i-skateboard ako ay nahulog ako dahil iniwasan ko ang isang sasakyan na nandun lang. Nagulat kasi ako. Iiwasan ko sana kaya lang nag-panic ako kaya nadulas ang skate board at nag-crack ang isang buto sa hinliliit ko,” kuwento ni Charice sa mga interview kahapon.

Anim na linggo siyang kailangang nakaka-crutch or naka-wheel chair ayon pa kay Charice.

Magkakaroon ng 40th birthday party ang nanay ni Charice kaya siya dumating ng bansa.

Ilang araw lang ang itatagal niya sa bansa at sasabak na siya sa Asian tour.

Balitang magkakaroon din siya ng solo concert sa Araneta at nasa planning stage na ito.

May Valentine special din si Charice na ipalalabas sa GMA 7.

Cancer Wing ni Edu para sa mga bata nakakaisang taon na

Nakaisang taon na pala ang Andrian Manzano Cancer Wing sa Philippine Children’s Medical City. Ang nasabing wing ay ipinatayo ni Edu Manzano para sa kanyang ama na noong kapanahunan pala nito ay malaki ang malasakit sa kapakanan ng mga bata.

Halos isang taon plinano ang Andrian Manzano Cancer Wing bagong natapos at ngayon ay pinakikinabangan ng maraming mga batang may kanser na kailangan ng tulong. Kasama ni Edu ang mga kaibigan para matupad ang pangarap niyang ito.

Balitang gumastos siya nang mahigit isang milyon para sa nasabing project na ginawa para sa chemotherapy at blood transfusion wing para lang talaga sa mga bata.

Dinesign din itong child friendly para maaliw ang mga bagets na may nararamdaman.

 “For him, it was very personal, I think Edu wants to let people know about the cancer wing in the hospital because now, admitted pay patients of the hospital get to help sustain the charity ward. Private patients can now come in as outpatients,” paliwanag ni Dr. Vince Gomez, Head Surgery ng PCMC.

So far nagbunga ang mga plano ni Edu dahil sa isang taon nito sa nasa­bing hospital, maraming bata na ang nakinabang.

At kahit operational na, tuloy ang pagtulong ng host isang certified Kapa­tid na.

Siya pa rin pala ang gumagastos sa sa maintenance ng ward at nag-iisip na raw ang TV host ng expansion na sisimulan sa construction ng Nurses Station at magsisimula agad-agad. Sila-sila pa rin ang mag-aayos – katulong ni Manzano sina Luis M. Zialcita (architect) at Henry Chua (contractor).

Siguradong malaki ang TF ni Edu sa TV5 kaya malamang na malaking ang ipagagawa niyang expansion.

Matinding traffic dahil sa Bourne... simula na ngayong araw

Ngayong araw na magsisimula ang matinding traffic particular na sa Manila area. Ang rason, ngayong araw magsisimula ang shooting ng international movie na Bourne Legacy starring Rachel Weisz, Edward Norton and Jeremy Renner.

Sa may area ng Adriatico ang shooting so asahan nating magkakaroon ng grabeng traffic sa area ng Roxas Boulevard.

Ay correction nga pala please : Hindi pa ex ng British actress ang dating James Bond star na si Daniel Craig. In fact, may sitsit na darating nga raw ito ng bansa.

vuukle comment

ANDRIAN MANZANO CANCER WING

BALITANG

BOURNE LEGACY

CANCER WING

CHARICE

DANIEL CRAIG

EDU

EDU MANZANO

EDWARD NORTON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with