OFWs na naipit sa gulo sa Syria kukumustahin
MANILA, Philippines - Marami pa rin sa ating mga kababayang Overseas Filipino Workers (OFWs) ang gustong manatili sa Syria sa kabila ng pagkamatay ng libu-libong mamamayan doon bunga ng madugo nilang paghihimagsik laban sa gobyerno.
Ngayon, (Jan. 10) sa Patrol ng Pilipino, ilalahad ni Jing Castañeda ang mga planong sapilitang pagpapauwi ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa higit 5,000 Pinoy mula Syria.
Alamin ang kani-kanilang dahilan sa pananatili doon at kung paano nila nakukuhang maging matatag sa kabila ng pagkalayo sa pamilya at ng panganib sa buhay.
Samantala, ibabahagi rin ni Jeff Canoy ang sari-saring kwento ng pagpupunyagi ng ating mga kababayang kumakayod sa Middle East.
Nariyan ang pamilya Solis na umuwi pa ng Pilipinas mula Saudi Arabia noong Pasko para lamang matikman ng kanilang anak ang Pasko sa bansa. Ngunit mayroon ding mga Pinoy na nagigipit sa pagtatrabaho doon, gaya na lamang ni Jonard Langamin, na matagal nang nakasalang sa death row ng Saudi dahil sa aksidente niyang pagkakapaslang sa isang kapwa Pinoy.
Tunghayan ang nakakaantig na kuwento ng ating OFWs sa Patrol ng Pilipino, pagkatapos ng Bandila sa ABS-CBN o sa mas maagang pag-ere nito sa DZMM TeleRadyo (SkyCable Channel 26), 9:15 p.m.
- Latest