Kahit pipito ang pelikula kita ng MMFF 2011 tumaas P100 million
Tama, lumampas sa target na P600 million ang kinita ng 2011 Metro Manila Film Festival (MMFF) na nagtapos last Saturday.
Kahapon ay nag-release ang Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino ng total gross income at umabot P636,792,509.57, mas malaki sa kinita noong MMFF 2010 na P540,508,031.60 lang.
Heto ang breakdown nang kita ng pitong pelikula :
(1) Enteng ng Ina Mo – P237,879,178.70
(2) Segunda Mano – P 126,630,979.00
(3) Panday 2 - P105,603,500.25
(4) Househusband, Ikaw Na – P62,074,350.25
(5) Shake, Rattle & Roll 13 – P55,484,185.89
(6) Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story – P38,437,416.80
(7) Yesterday Today Tomorrow – P10,682,902.35.
Kung tutuusin, pipito ang pelikula nitong 2011 samantalang noong 201, walo pa ha?
Noong 2010 kasi P159 million lang ang kinita ng Si Agimat at si Enteng Kabisote at Ang Tanging Ina Mo Last na ‘To — P157 million. ’Yung mga kasunod nilang pelikula, ang Dalaw, P96 million lang at ang limang kasunod, below P50 million na.
Ang laki nang itinaas, almost P100 million.
Samantalang ang third and fourth placer, respectively, more than one hundred million pesos ang isinampang pera.
Baka sa 2012, mas malaki pa ang kikitain ng mga sasaling pelikula.
Dating asawa ni James Bond nasa bansa na para mag-shooting
Nasa bansa na ang Hollywood actress na si Rachel Weisz para sa shooting nila ng pelikulang Bourne Legacy.
Ayon sa mga reports, dumating Linggo ng gabi galing sa Hong Kong ang dating asawa ng James Bond star na si Daniel Craig.
Nauna nang dumating ng bansa ang bida na si Jeremy Renner.
Teka, hindi kaya sila kinabahan sa balitang may banta ang mga terorista sa ginanap na prosisyon sa fiesta ng Black Nazarene kahapon?
KC babu na sa THE BUZZ
Nag-babu na sa The Buzz last Sunday si KC Concepcion. Hindi niya napigilang umiyak at sabi tears of joy ’yun dahil naramdaman niyang marami palang nagmamahal sa kanya.
Meaning, hindi niya dati naramdaman ’yun? Kung sabagay nang maghiwalay sila ni Piolo Pascual na umiyak siya habang nangungumpisal sa nangyari sa kanila ng actor, mas maraming nakisimpatya sa actor. As in inakusahan pa siyang bratty.
Pero mukhang naramdaman ngayon ni KC na may mga natira palang loyal sa kanya.
Nag-e-effort na ring mag-Tagalog ang anak ni Megastar Sharon Cuneta sa kanyang mga interviews lately.
Sasabak siya sa pagho-host ng X Factor Philippines kaya siya umalis sa The Buzz.
Sino kayang papalit kay KC sa The Buzz? Eh balitang iiwan din ni Charlene Gonzales ang programa?
- Latest