^

PSN Showbiz

Pinoy jeep paliliparin ng Bourne stars!

- Veronica R. Samio -

Si Jeremy Renner na ang kapalit ni Matt Damon sa ika-4th Bourne franchise na inaasahang dudumugin ang shooting dito sa Metro Manila.

Si Renner din ang choice ni Damon na pumalit sa kanya. Mapapanood ito kasama ni Tom Cruise sa pinakahuling installment ng Mission Impossible, ang Ghost Protocol.

Isang mahabang car chase na tatagal ng 26 minutes ang kukunan sa EDSA Taft sa Pasay City na kung saan ay makakasama rin ni Renner ang aktres na si Rachel Weisz na gagawa ng stunts habang nasa loob nang lumilipad na jeep. Kaila­ngang isaayos ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang lugar na talaga namang napakagulo para maganda naman itong lumabas sa pelikula.

Ang pelikula na kukunan din sa mga palengke ng Marikina at San Andres, Navotas Fishport, Ramon Magsaysay at Ayala Boulevard, Nagtahan, Intramuros, at Jones Bridge ay gagamit din ng humigit kumulang sa 1,000 ekstrang Pinoy.

Ipalalabas ang Bourne Legacy na nagtatampok din kina Edward Norton, Joan Allen, Albert Finney, Scott Glenn, at Oscar Isaac sa buwan ng Agosto.

Dennis, Angelika, at Glaiza susuporta lang sa baguhan

Magsisilbing malakas na suporta sina Dennis Trillo, Angelika dela Cruz, at Glaiza de Castro ng isang baguhang manganganta na nakuha ng GMA 7 sa maraming auditions na kanilang isinagawa para gumanap ng title role ng Biritera.

Magiging kakaiba ang seryeng ito dahil tatampukan ng magandang musika.

UP student komedyante na ng Banana Split

Sana maabot din ng bagong Clown in a Million na si Karen Dematera ang kasikatan ng pinakaunang nagwagi ng titulo na si Pokwang. Isa ang sikat na komedyana sa umupo bilang hurado sa grand finals ng Clown in a Million na ginanap sa programang Banana Split na napapanood tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN. Ang dalawa pa ay sina Joey Marquez at Direk Bobot Mortiz.

Tinalo ng matalentong estudyante ng UP ang tatlong nakalaban niya sa grand finals na sina Mimi na naging 1st runner-up, Romeo Librada, 2nd runner-up, at Leo Priscilla, 3rd runner-up. P200, 000 ang take-home win ni Karen na may kasama pang kontrata sa ABS-CBN. Regular na siyang mapapanood sa Banana Split.

Shake nanggulat, hindi nanakot

Napanood ko nga pala nung isang araw ang Shake, Rattle and Roll 13. Kumpara sa last year, mas maganda at pulido ang mga istorya ng entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2011. Mas marami rin ang mga artista na parang siyang tipo ng pelikula na gustong ginagawa ngayon ni Mother Lily Monteverde. Matatandaan na ang isa pa niyang entry sa festival, ang Yesterday Today To­morrow, ay tinambakan din niya ng artista.

Pinaka-gusto ko sa tatlong episodes ’yung Ta­ma­­wo. Bukod sa magagaling sina Zanjoe Marudo, Maricar Reyes, at Bugoy Cariño parang mas realistic pa ang istorya kumpara sa dalawa pang episodes na parang pilit ang pananakot at panggagalit sa manonood.

Mas gusto kong nagpapatawa si Eugene Domingo kesa nagda-drama. At hindi sila bagay ni Jay Manalo. Si­guro kung comedy pa ang pelikula baka nag-blend sila. Pero wala talaga silang chemistry.

Ang magandang pareha naman ay ’yung kina Kathryn Bernardo at Louise delos Reyes. Sayang at magkaiba sila ng network, they could nake it as a tandem. Nasayangan naman ako kina Ara Mina, Ina Raymundo at Lloyd Samartino. Masyadong maikli ang roles nila, puwedeng ginampanan ng mas maliliit na artista dahil sina Kathryn at Louise lang ang mga talagang bida. Ganun din ang roles nina Julia Clarete at Dimples Romana.

Mas nag-concentrate yata ang mga writers sa istorya kaya parang nakalimutan nila na dapat ay nakakatakot ang pelikula. Gulat at hindi takot ang naramdaman ng mga manonood.

Kris, hinihintay na sa promise

Magkano na kaya ang kinikita ng Segunda Ma­no? Interesado, lalo na ang entertainment press, dahil may pangako si Kris Aquino sa kanila na ginawa niya sa presscon ng pelikula na kapag kumita ito ng ilang milyon, pero ’di ko na natatandaan pa kung magkano talaga, marami siyang ibibigay sa lahat ng dumalong press tulad ng isang cart ng groceries.

Tuparin kaya niya ang pangako niya? Just wondering.

Bugoy magso-solo na

Malapit nang mapanood sa Primetime Bida ng ABS-CBN ang E-Boy, ang isa sa mga pinaka­ba­gong teleseryeng pagbibidahan ng MMFF 2011 best child performer na si Bugoy Cariño, ka­sa­­­ma ang mga premyadong bituin na sina Ariel Ri­ve­ra, Jo­mari Yllana, Agot Isidro, at Valerie Con­cep­cion.

Si E-Boy ay isang batang robot na mabait at matalino; parang tao rin siya na may puso rin. Magugustuhan ito ng mga bata at ng buong pamilya kasi maraming mapupulot na aral mula sa direksiyon nina FM Reyes at Nick Olanka. Ito ang kuwentong magpapatunay na kahit hindi tao, puwedeng magmahal ng totoo.

Simula na sa Enero 23 (Lunes), pagkatapos ng TV Patrol.

AGOT ISIDRO

ALBERT FINNEY

ANGELIKA

ARA MINA

BANANA SPLIT

BUGOY CARI

SHY

SUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with