^

PSN Showbiz

Kung sa ex na-trauma...Aktres sobrang saya na sa piling ng dyowa na espesyal ang trato

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Masaya ang aktres na ito sa relasyon niya nga­yon sa isang aktor dahil hin­di lang pagmamahal ang ipinararamdam sa kan­ya, kasama ang respe­to at spe­cial treatment na never niyang naramdaman sa kan­yang ex. Ang ex ang rason kung bakit ma­tagal muling umibig ang aktres dahil na-trauma na.

Hindi alam ng nobyong aktor kung gaano niya pinasaya ang aktres nang ipakilala sa kanyang mga magulang na never ginawa ng kanyang ex. Noong nakaraang Pasko, two bags at wristwatch na puro branded ang Christmas gifts ng aktor sa aktres na very proud na ginagamit ng dalaga.

Kaya nagugulat kami kung bakit up to now hindi pa inaamin ng dalawa ang kanilang relasyon. Wala naman silang ka-love team na dapat alagaan at tang­gap ng fans at kahit press ay pabor sa kanilang relasyon. Hanggang kailan kaya mababago ang “ex­clusively dating” na sagot ng dalawa ’pag tinatanong sa kanilang relasyon?

Mariel masuwerte pa, HYY malapit nang mawala sa ere!

Pinagbubulungan ang tsikang aalisin na ng ABS-CBN ang Happy Yipee Yehey! kung kailan, bas­ta malapit na. Sabagay, noon pa naman nababalitang tatanggalin na sa ere ang show na kabilang sa mga hosts sina Randy Santiago, John Estrada, Pokwang, Rico J. Puno, at Toni Gonzaga.

Mabuti pala at nakalipat si Mariel Rodriguez sa Wil Time Bigtime ni Willie Revillame sa TV5. Sigurado namang bibigyan ng kapalit na show ang mga hosts at regular performers ng Happy Yipee Yehey!

Sid payag magka-reality show ang buong Eigenmann

Dahil magtatapos na this week ang Amaya at last taping nila bukas, akala namin kumawala na si Sid Lucero sa karakter niyang si Bagani sa epic serye at sa Legacy na ang attention. Nagulat kami dahil sa up to the end ang focus niya sa epicserye at nahiya pa nga dahil hindi pa niya alam ang name niya sa Legacy.

Sa teaser plug namin nalamang I?igo ang pa­nga­lan niya at mukhang sa karakter ni Heart Evangelista muna mai-involve dahil sila ang magkasama sa publicity photo ng Legacy. Iwas-intriga si Sid dahil hin­­di sumagot sa tanong ng press kung ano ang feeling na after Marian, si Heart ang makakasama niya.

Longest show ni Sid ang Amaya at hindi na ito mangyayari, kaya at ang sarap ng feeling na makasama rito. Nalulungkot siya na magtatapos na ito, at the same time, he’s hap­py to be starting a new soap.

“I’m excited to be keep on working, I love it. Pero ma­mi-miss ko ang Amaya, parang galing kami from a different world at mahirap ang Tagalog. Sa ta­gal kong naka-tattoo, ba­ka hindi na maalis ito,” sabi ni Sid.

Excited na rin si Sid sa mga eksena sa Legacy na ka­sama niya ang pinsang si Geoff Eigenmann at ang titang si Cherie Gil at sana raw, may mga ganung eksena. Game rin siyang magsama-sama ang buong Eigenmann family sa isang reality show.

“It would be fun pero walang mangyayari siguro, magkukuwentuhan lang,” sabi ng aktor.

Bourne… dadayuhin din dito ng foreign press

Hindi lang pala ang cast at staff ng Bourne Le­gacy ang darating sa bansa dahil may foreign en­ter­tainment press din ang darating to cover the shoot­ing. Isa sa mga darating ay ang team ng Entertainment Tonight na for sure, marami sa inyo ang nanonood sa cable.

Sana may team din ang TMZ dahil ’kaaliw silang pa­noorin, na-feature na nila si Manny at Jinkee Pac­quiao before. Kundi kami nagkakamali, sa Jan. 14, na ang start ng shooting dito. Kelan kaya ilalabas ang mga pangalan ng Filipino actors na kasama sa cast ng Bourne Legacy?

AMAYA

BOURNE LE

BOURNE LEGACY

CHERIE GIL

DAHIL

EIGENMANN

HAPPY YIPEE YEHEY

NIYA

SHY

SID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with