^

PSN Showbiz

Pagkatapos mag-enjoy sa Amerika, Kris magbi-birthday naman sa Japan

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nag-live episode kagabi ang Gandang Gabi Vice kung saan ay si Kris Aquino ang kanilang naging panauhin. Masaya ang bawat pag-uusap nina Kris at host na si Vice Ganda.

Kababalik pa lamang ni Kris Aquino sa bansa mula sa kanyang mahaba-habang bakasyon sa Amerika. Kasama ng aktres ang dalawang anak na sina Josh at Bimby pati ang mga malalapit na kaibigan na sina Liz Uy, John Lapus, at Direk Eric Salud. Masaya nilang sinalubong ang Bagong Taon sa New York. Marami silang nagawa sa nasabing bakasyon katulad ng pamimili ng iba’t ibang laruan sa Toy Center. Nakapanood din ng malalaking Broadway musical shows katulad ng Spider Man, Lion King, Radio City Musical Spectacular, Addams Family, at Rock of Ages.

Nagkaroon din ng pagkakataon na mapanood nina Kris ang musical concert ng Hollywood actor na si Hugh Jackman na may titulong Hugh Jackman, Back on Broadway. Hindi rin pinalampas ng kanilang grupo ang mga pagkain sa iba’t ibang kilalang restaurants gaya ng Benny Hannah, Eataly, at Kum Gang San. Marami ring napasyalang lugar sina Kris sa Amerika kaya nagkaroon din ng pagkakataon ang kanilang grupo na makapiling ang ating mga kababayang naroroon. Samantala, sa susunod na buwan ay nakatakda namang pumunta sa Japan ang Queen of All Media para doon magdiwang ng kanyang kaarawan kasama ang kanyang dalawang anak.

Maja magkaka-love story sa balik-Kapamilya na si Patrick

Sa Jan. 25 ay ipalalabas na sa mga sinehan ang pelikulang My Cactus Heart mula sa Star Cinema. Ito ang pelikulang may pinakamatinik na love story at pagtatambalan ng magkasintahang sina Maja Salvador at Matteo Guidicelli. Makakasama rin ng dalawa si Xian Lim sa nasabing pelikula. Malapit na ring ipalabas ang bagong soap opera ni Maja na Lumayo ka Man sa Akin kung saan ay si Jason Abalos naman ang kanyang makakapareha.

“First quarter po ipapalabas ’yung bago kong soap with Jason at ang nagbabalik-Kapamilya na si Mr. Patrick Garcia. Magandang istorya po siya ng pag-ibig na hindi lang tungkol sa pag-ibig. ’Yung past ng mga magulang namin na puwede palang mangyari din ’yon sa mga anak nila at kaya ba naming ipaglaban ’yon kahit na mali na ’yung pag-ibig,” kuwento ni Maja.

Masaya naman ang dalaga sa lahat ng mga proyektong dumadating sa kanya.

“Hindi ako nagko-complain, masaya lang dapat. At least, nabibigyan ka ng magandang proyekto at tamang proyekto. Nasa sa ’yo lang po ’yon kung pagagandahin mo ba, paghuhusayin mo ba para tumatak ’yung character na gagawin mo. Basta maganda ang istorya at magandang gampanan, gagawin ko po,” paliwanag pa ng young actress.

— Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

ADDAMS FAMILY

AMERIKA

BAGONG TAON

BENNY HANNAH

ERIC SALUD

HUGH JACKMAN

KRIS AQUINO

MAJA

MASAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with