^

PSN Showbiz

Korina nagbabalik sa radyo!

-

MANILA, Philippines - Tuloy na tuloy na ang pagbabalik-radyo ng natatanging kaibigan, kabalitaan at kakampi ng bayan na si Korina Sanchez sa pamamagitan ng magazine program niyang Rated Korina simula ngayong Lunes (Jan 9), Lunes hanggang Biyernes, 10 AM – 11 AM sa DZMM Radyo Patrol 630 at DZMM TeleRadyo (SkyCable Ch. 26).

Tuwing umaga, maghahain si Korina ng iba’t ibang kuwentong kakaiba, mga makukulay na istorya ng tagumpay, usapang puno ng damdamin at kaalaman na tiyak na paghuhugutan ng inspirasyon ng mga tagapakinig at manonood.

Kasabay naman ng kanyang pagbabalik-radyo ay ang muling mapapakinggan ang patok na tambalan nina Korina at Ted Failon sa kanilang pagpapalitan ng kuro-kuro bago matapos ang Failon Ngayon sa DZMM.

Ang paglulunsad ng bagong programa ni Korina ay bahagi ng bago at mas pinalakas na programming ng DZMM, na nanatiling pa ring numero uno sa buong Mega Manila sa Disyembre ng nakaraang taon nang magkamit ito ng 42% na audience share kumpara sa 28% ng kalabang DZBB ng GMA, base sa datos ng Nielsen Mega Manila RAM.

Kasabay ng pagpasok ni Korina sa umaga, lilipat naman sa hapon ang nakakaaliw na pares ng ‘batang batang’ si Ariel Ureta at ‘seksing seksing’ si Winnie Cordero sa Todo Todo Walang Preno simula ngayong Lunes sa bago nitong timeslot na 3:00 PM-4:00 PM.

Abangan ang mga bagong pakulo nina Ariel at Winnie at ang tips nila sa mga nanay at tatay na tiyak na makaka­dag­dag pa sa masiglang balitaktakan ng dalawa.

Sa gabi naman mapapakinggan si­na Jobert Sucaldito at Ahwel Paz sa showbiz talk show na Mismo para sa mga pinakamainit na showbiz expose at tsi­kahan na ngayo’y mapapakinggan at ma­papanood na tuwing 10:00 PM hanggang 11:00 PM gabi-gabi.

Susundan naman ito ng paghahatid ng payo, inspirasyon at klasikong love songs ni Bro. Jun Banaag sa kanyang popular na Dr. Love Radio Show, 11PM tuwing Lunes hanggang Biyernes.

Kasabay ng mga pagbabagong ito, ilulunsad din ngayong taon ang pinakabagong station jingle ng himpilan na inawit pa ng kompositor at musikero na si Noel Cabangon.

AHWEL PAZ

ARIEL URETA

BIYERNES

DR. LOVE RADIO SHOW

FAILON NGAYON

JOBERT SUCALDITO

JUN BANAAG

KASABAY

KORINA

KORINA SANCHEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with