^

PSN Showbiz

PP may pa-Boom!

-

MANILA, Philippines - Hindi pa tapos ang New Year fever kaya patuloy ang Party Pilipinas sa mga pampasabog na pagbati sa 2012 na may   Boom! Trending ka ba? ngayong Linggo.

 Aaliwin kayo ng pag-aala-Lady Gaga sa dance floor ng mga hot babes na sina Sam, Rochelle, Chloe, Michelle at Ellen Adarna.

Magpapainit din sa show sa kanilang ala-Britney Spears (bollywood style) ang mga premier star na sina Heart, Lovi, Sarah, at Bianca.

Magpapatuloy na dominante ang kababaihan sa pagdiriwang ni Kyla ng kanyang birthday kasama sina Jolina at Rachelle Ann.

Makikanta at makisayaw sa beats ng magagaling na nauusong male pop hits ng 2011 kasabay nina JayR, Kris Lawrence, Protégé Nomer at inter-pop group na Down to Mars.

Aawit naman ng mga hits ni Lionel Richie ang Keso Boys. Ganundin ang mga heartthrobs ng Party Pilipinas na sina Aljur, Kristoffer, Jhake, Derrick, MM and MJ of XLR8, at Steven.

Noong 2011, nasa listahan ng nauusong usapin ang mga kalamidad na tumama sa bansa. Sa pagsulong at paghahangad sa mas maliwanag na bukas, nagsama-sama sa isang grand number ang magagaling na concert performer. Maghaharap ng mga awitin ng inspirasyon ang VoX na nagtatampok kina Ogie Alcasid, Kyla, Rachelle Ann Go, JayR, Julieanne San Jose, Gian Magdangal, Frencheska Farr, Jonalyn Viray, Aicelle Santos, Maricris Garcia at Dennis Trillo.

Ihahandog naman ng OPM ang trending band hits ng 2011 na nagtatampok sa mga kanta ng Parokya ni Edgar, Eevee, Tanya Markova at marami pang iba.

Bukod pa diyan ang duet ng mga paborito ninyong singing love team sa Party Pilipinas.

Sa hanay ng mga love team, kakanta sina Ju­­­­l­i­ean­ne at Elmo.

Panoorin din sina Marian Rivera, Sid Lucero, Glai­za de Castro, Rochelle Pangilinan, Aljur A­bre­nica at iba pang cast ng Amaya sa kanilang curtain call para sa pamamaalam ng patok na series na ito.

vuukle comment

AICELLE SANTOS

ALJUR A

BRITNEY SPEARS

DENNIS TRILLO

ELLEN ADARNA

FRENCHESKA FARR

GIAN MAGDANGAL

PARTY PILIPINAS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with