^

PSN Showbiz

Anne at Kris magpapatalbugan sa teleserye!

- Ni Mary Rose G. Antazo -

MANILA, Philippines - Most awaited event this Jan. 28 ang first major solo concert ni Anne Curtis na pinamagatang Annebisyosa: No Other Concert World Tour na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum. Ngayon pa lang usap-usapan na ito sa showbiz dahil maraming excited na makita on stage ang “kakaibang” talento ni Anne sa pagpe-perform.

Mula sa konsepto, musical repertoire, production num­bers, guests, at outfits ay siguradong aabangan sa dalaga. Hindi na nga siya magkandaugaga sa paghahanda para rito dahil gusto niyang maging memorable ang matagal na niyang pangarap na kon­siyerto. Perfect birthday gift na rin ito kay Anne na magse-celebrate ng kanyang kaarawan sa dara­ting na Feb. 17. Dream come true for her ang concert na handog ng Viva.

Isa si Anne sa masasabing inulan ng suwerte nitong nagdaang 2011 with the successful variety show na Showtime, blockbuster movie na No Other Woman, a best supporting actress award for In Your Eyes movie, a platinum album for Annebisyosa, isang major concert na paparating, at colorful na love life sa piling ng boyfriend na si Erwan Heussaff.

Idagdag pa rito ang kaliwa’t kanan niyang commercial endorsements at pagiging Twitter Queen, (most followed Filipino celebrity and having almost two million followers) ay patunay lamang na marami ang naniniwala at nagmamahal talaga kay Anne. 

Ano nga ba ang sikreto niya at grabe ang kapit ng su­werte sa kanya ngayon?

“Sobrang thankful and grateful lang talaga ako sa lahat ng blessings na dumating sa akin nitong 2011 and I’m looking forward for a more blessed year this 2012. Sobrang happy ako and I feel so blessed and lalo mong naa-appreciate lahat ng pinagtatrabahuan mo when people start to appreciate what you’re doing, like album, bumibili naman sila. May sense of achievement ka. More than anything, you can’t help but feel thankful sa lahat ng mga taong sumuporta, maging anuman ’yung pinasok ko this year,” pahayag ni Anne na kagagaling lang ng Japan at doon nag-celebrate ng New Year.

Ang suwerteng natatamo naman niya ay hindi lang basta kusang dumating kundi masasabing pinaghirapan niya ito sa loob ng mahigit 14 years niya sa showbiz.

“Alam mo, sa 14 years na I’ve been in the industry… I really feel that in all aspects of me sinubukan ko na talaga so I’m so grateful and there is really nothing more that I can ask for, happy na ako. Patience… have patience. Huwag kang masyadong atat,” sabi pa nito sa kanyang interview.

Malaki rin ang naitulong ng pagkakaroon niya ng optimistic attitude sa buhay.

“You just really have to keep the faith, keep the faith,” sabi pa niya.

Tinagurian ngayon si Anne bilang Princess of All Media, next sa pagiging Queen of All Media ng kaibigan at favorite ate niyang si Ms. Kris Aquino. Among her talents, ano ba ang gustung-gusto niya talagang gawin?

“I really love everything and I enjoy everything,” sagot ni Anne.

Pero meron pa ba siyang nais gawin pa?

“Business na lang siguro, out of showbiz. I wanna have my own business line, my own lipstick line, my own fragrance line, my own lingerie line,” pag-iisa-isa niyang sagot.

And with her successful career, may blooming and growing love life siya huh?

“I think it’s very important that, as any other person who has a job, you have a life out of your own job. And you balance that. I think ’yun ang key to it.

“Making sure na hindi lahat ng oras mo nakatutok sa work lang, or sa love life lang. You know how to balance it,” sabi ni Anne.

Naniniwala si Anne na suwerte sa buhay niya ang boyfriend niyang si Erwan.

“I think so. Alam mo, ever since he came into my life, I’ve been nothing but happy,” sabi niya.

Bukod sa concert ay nakatakda ring gumawa ng teleserye si Anne kasama ang Ate Kris niya sa ABS-CBN ngayong Year of the Water Dragon. 

                       

ALAM

ANNE

ANNE CURTIS

ANNEBISYOSA

ATE KRIS

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with