^

PSN Showbiz

Life and Style magbabalik-tanaw sa 2011

-

MANILA, Philippines - Pinili ni Mader Ricky ang mga natatanging episode ng kanyang programang Life and Style With Gandang Ricky Reyes na ipinalabas nung Taong 2011 at muling mapapanood ang mga ito ngayong Sabado alas-diyes nang uma­ga sa GMA News TV.

Unang-una ang makabagbag-damdaming paglilipat ng mga batang maysakit na cancer mula sa naging tahanan nila sa pitong taong Childhaus. Luha at lungkot ang nasa mukha ng mga pasyente at kanilang mga magulang nang makatanggap ang mga tagapamahala ng bahay-tuluyan sa E. Rodriguez Aven­ue, Kyusi ng eviction notice mula sa PCSO.

“Saan na naman sila matutulog? Sa kalye at mga koridor ng ospital? Tatlong linggo bago ang itinakdang pagpapaalis sa ami’y nakatagpo kami ng isang bahay sa Ofelia Village, Project 8, Kyusi. Nalinis, nahilamusan ng pintura at nalagyan ng mga kagamitan at kasangkapan ang bahay at nailipat ang mga pasyente na ngayo’y tuwang-tuwa sa tinutuluyang Childhaus na ayon sa kanila’y isang palasyo o mansyon,” sabi ni Mader RR.

Naibigan ng mga televiewers ang mga pagdalaw ng show sa ibang lugar tulad ng Bangkok at Macau na ‘di lang ang kagandahan ng lugar ang itinampok kundi maging mga modernong paraan ng pagpapaganda at pampapabata. Patok din ang pagdalaw sa iba-ibang rehiyon sa bansa na nabusog ang ating mga mata sa tourist attractions, nabusog ang ating tiyan sa masasarap na pagkain at natutuhan natin ang ”livelihood program” ng mga taga-roon.

 Bilang pagbati sa Taong 2012 ay magbibigay din si Mader ng mga pagbabago (innovations at formats) sa programa kaya ... abangan ito!

BILANG

CHILDHAUS

KYUSI

LIFE AND STYLE WITH GANDANG RICKY REYES

LUHA

MADER

OFELIA VILLAGE

RODRIGUEZ AVEN

TAONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with