KC at Piolo magkikita sa ASAP
MANILA, Philippines - Pasiklaban ng talento ang magaganap ngayong Linggo (Enero 8) sa 2011 PMPC Star Awards Best Musical Variety Show at Golden Screen Awards 2011’s Outstanding Musical Program na ASAP 2012.
Una sa lahat ang malalaking sorpresang handog para sa mga Kapamilya viewers ang grand launch ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano ng kanyang Walang Hanggan album mula sa Star Records.
Kaabang-abang din ang duet niya kasama sa unang pagkakataon ang YouTube Fil-Am sensation na si AJ Rafael.
Abangan din sa ASAP 2012 ang pagbabalik ni KC Concepcion na maglalabas ng kanyang bagong single na Di Bale Na Lang; pagbibigay ng gold record award kay Asian Supahstar Karylle na may special performance kasama si Yael Yuzon; kakaibang pagpapasiklab mula sa lead star ng A Mother’s Story na si Pokwang; at ang back-to-back performance nina Billy Crawford at Angeline Quinto.
Samantala, sunod-sunod na concert performances din ang maasahan mula sa hottest leading men na sina Gerald Anderson, Enchong Dee, Enrique Gil, Rayver Cruz, Rafael Rossel, at Sam Milby kasama ang bagong henerasyon ng leading ladies na sina Kim Chiu, Empress, Julia Montes, at Erich Gonzales; concert artists na sina Piolo Pascual, Toni Gonzaga, Jericho Rosales, Christian Bautista, Nikki Gil, Jed Madela, Erik Santos, at ZsaZsa Padilla; at birthday celebrants na sina Jake Cuenca at Melissa Ricks.
Tiyak na mapapasabay ang lahat sa videoke hits na handog nina Aiza Seguerra, Zia Quizon, Princess Velasco, Paolo Valenciano, Juris Fernandez, Sitti, Richard Poon, Yeng Constantino, at Sam Milby habang bigay todo naman sa pagsasayaw sina Gab Valenciano, Iya Villania, Rayver Cruz, Shaina Magdayao, Sam Concepcion, Bugoy, John Prats, at dance group na G-Force.
Patuloy na ipagdiwang ang bagong taon sa ASAP 2012 ngayong Linggo, 12:15 nn, sa ABS-CBN.
- Latest