Vic at AiAi namigay ng tseke sa sampung simbahan
Nabasa namin ang tweet ni Lito Alejandria na may Paskong Pasasalamat Pilgrimage sina Vic Sotto at AiAi delas Alas para sa box-office success ng Enteng ng Ina Mo, entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) na kanilang pinagtambalan.
Ang first stop ng grupo ay ang Ina ng Laging Saklolo Church sa Cardinal Sin Village, Punta Sta. Ana, Manila. Pumunta rin sina Vic at AiAi sa Our Lady of Abandoned Church sa Pedro Gil, Peñafrancia Church sa Paco, at Our Lady of Assumption sa Leveriza.
Ten churches ang pinuntahan nina AiAi at bawat punta, may dala silang check donation na hindi na sinabi kung magkano. Billion Actress ang bagong title ni AiAi dahil umabot na sa bilyon ang kinita ng kanyang Tanging Ina series.
Kahit Mormon missionary na ang international singer
Project ni Jasmine at David Archuleta tuloy pa rin
May nagsabi sa amin na tuloy pa rin ang team-up nina Jasmine Curtis-Smith at David Archuleta kahit nagpahayag na ang American singer na naka-hold ang career niya para mag-focus sa pagiging Mormon missionary. Kung paano, hintayin natin ang announcement ng TV5.
In fact, sinusulat na ang script ng Jasmine-David project at may direktor nang napipisil na bawal pang pangalanan dahil may show pa itong umeere sa ibang network. Malaking factor kung matuloy si direk sa project dahil mahusay siya sa mga ganitong klase ng istorya.
Charice may tribute sa amang pinatay
Si Louie Ignacio ang direktor ng Valentine concert ni Charice sa GMA 7 entitled One For the Heart at hindi totoo na tuluyan na itong umalis sa network at lilipat sa TV5 dahil may dinidirehe ito roon. Si Direk Louie pa rin ang direktor ng Manny Many Prizes at ibang special projects ng istasyon.
Sina Mark Bautista at Jay-R ang mga guests ni Charice sa kanyang Valentine special at isa sa aabangan ng mga viewers ay ang portion na binigyan ng singer ng tribute ang amang pumanaw late last year.
Last December nag-shoot si Charice ng One For the Heart, noong nandito siya, pero hindi pa ina-announce kung kailan ang exact date ng airing.
Tala paboritong-paborito sa Kapuso Network
Pagkatapos ng 24 Oras ilalagay ang Legacy at hindi kami sure kung makakatapat nito ang Walang Hanggan ng ABS-CBN na Jan.16 din ang pilot. Parehong drama at star-studded ang cast ng two new soaps ng dalawang networks, ang mga viewers na ang bahalang mamili kung alin sa dalawa ang panonoorin.
Reunion nina Heart Evangelista at Geoff Eigenmann ang Legacy na first primetime soap ni Direk Jay Altarejos. First time ring magkasama sa isang soap ang mag-tiyahing sina Cherie Gil, Geoff, at Sid Lucero.
Original story ang Legacy pero may magandang obserbasyon ang isang Kapuso viewer. Bakit tila favorite word daw ngayon ng Channel 7 ang Tala? Ito ang tawag ni Bagani (Sid) kay Marian Rivera sa Amaya, Tala rin ang isang tribe sa Survivor Philippines: Celebrity Doubles Showdown noong hindi pa nagme-merge ang dalawang tribes, at Tala rin ang pangalan ng sabon sa Legacy.
Incidentally, parehong excited sina Heart at Geoff sa muli nilang pagtatambal at kitang comfortable sila sa isa’t isa sa pictorial at nakaakbay pa ang una sa huli habang ini-interview sila.
- Latest