Mga shows ng GMA-7 nanguna noong 2011
MANILA, Philippines - GMA Network ang nangungunang TV station sa buong bansa noong 2011. Ito ay base sa nationwide total day household audience share ayon sa Nielsen TV Audience Measurement.
Ayon sa full 2011 nationwide data ng Nielsen (December 25 to 31 based on overnight ratings), nakapagtala ng 34.2 total day average television household audience share ang GMA 7.
Kapansin-pansin ang pagtaas ng total day household audience share record ng GMA 7 nitong 2011 kumpara noong 2010.
Nitong December, nakapagtala ang GMA 7 ng 36.2 total day average household audience share nationwide.
Panalung-panalo rin ang morning at afternoon blocks ng Kapuso Network, kung saan lamang ito sa ABS-CBN ng double-digit margins sa National Urban Philippines.
Kasama sa mga nangungunang programa ng GMA 7 nitong December ang Eat Bulaga, Pepito Manaloto, 24 Oras, Amaya, Protégé (The Final Battle), Munting Heredera, at Kapuso Mo, Jessica Soho.
Dahil na rin sa mataas na ratings ng GMA-7 nitong 2011, umakyat ng 36 percent ang advertising accounts ng top 30 advertisers sa GMA mula January hanggang September 2011 kumpara sa parehong period noong 2010.
- Latest