^

PSN Showbiz

Carmina tuluyan nang nag-babu sa Kapuso Network!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Tama si Zoren Legaspi na babalik sa ABS-CBN si Carmina Villarroel at hindi sa TV5 lilipat gaya nang mga nabalita. Pipirma na ng kontrata any day now ang aktres at bibigyan agad ng soap at balita namin, sa E-Boy siya isasama.

Pero ang balita, next week pa ang presentation ng ABS-CBN ng show para kay Carmina. Dahil sa pagbabalik ni Carmina sa Channel 2, nabanggit ni Atty. Felipe Gozon na papalitan na ng ibang sitcom ang Pepito Manaloto na isa ang aktres sa cast.

Nabanggit dati ni Carmina na nahihirapan siyang magdesisyon dahil ayaw iwan ang Pepito Manaloto at ang Day Off show niya sa GMA News TV Channel 11, pero gusto niyang gumawa ng soap.

Sa pagbabalik ni Carmina sa Channel 2, magkasama na sila ni Janice de Belen na dating kasama niya sa morning show ng Channel 7 together with Gelli de Belen na sa TV5 naman lumipat.

Rainier hindi nararamdaman na nasa TV5 na

Tama ba ang nabalitaan naming hindi alam ni Ranier Castillo ang binalak na reunion ng mga kasama sa StarStruck 1? Clueless si Ranier na may ganun palang plano ang batch nila at nalaman lang nang mag-suicide si Tyron Perez.

Walang nagti-text o tumawag man lang kay Ranier na feeling tuloy, iniitsapuwera na siya ng mga kasama mula nang umalis siya sa GMA 7 at lumipat sa TV5. Lalo pa sigurong magtatampo si Ranier ’pag nalamang isa sa ka-batch niya sa SS 1 ang nanghihinayang na umalis siya sa Channel 7.

Oo nga at may show siya si TV5 pero parang walang impact at parang nawala siya sa eksena. Saka, walang dapat ipag-react si Ranier dahil hindi natuloy ang reunion nila at may masama at malungkot pang nangyari kay Tyron.

Bagets ng Munting Heredera active na sa Twitter

Si Mona Louise Rey, gumaganap na Jennifer sa Munting Heredera, na yata ang pinakabata sa Pilipinas na may Twitter account. Tiyak na may mga magre-react dahil six years old pa lang ang bagets, pero nasa Twitter na.

Hayaan n’yo na ang bagets, wala namang tini-tweet na masama at nang bisitahin namin ang Twitter account, co-stars sa Munting Heredera at family members ang tini-tweet.

Nauna pa ngang nagka-Facebook si Mona, pa­reho sila ni Jillian Ward na may Facebook account, at naloka kami sa tsika ni Mona na nang magkita sila ni Jillian ay ang i-add ang isa’t isa ang naging batian.

Boses ni Mike Tan pinabago ni Direk

Gusto na naming mapanood ang Legacy para lang marinig ang boses ni Mike Tan. Curious kami kung ibinalik niya sa dati ang kanyang boses o ni-retain ang boses na ginagamit niya ngayon sa Kung Aagawin Mo ang Lahat.

Dahil manipis ang boses, Mike was advised by Direk Jay Altarejos na baguhin ang boses at i-mo­dulate para mas bumagay sa role sa drama series. Gusto namin ngayong malaman kung aling boses ang ginamit ni Mike sa Legacy, na incidentally, si Jay din ang direktor. Sa Jan. 16 na ang pilot ng soap na tungkol sa sabon.

vuukle comment

BELEN

BOSES

CARMINA

CARMINA VILLARROEL

DAHIL

DAY OFF

MIKE TAN

MUNTING HEREDERA

PEPITO MANALOTO

RANIER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with