Career ni Alden Richards gumaganda na
MANILA, Philippines - Mukhang nakikiayon ang mga stars kay Alden Richards. Gumaganda na ang kapalaran niya. Sino ang mag-aakala na mula sa simpleng audition para sa afternoon soap na Alakdana bilang si Joma ay magkakasunud-sunod na ang trabaho niya?
Kaya naman tuwang-tuwa ang young Kapuso actor at iniisa-isa ang mga pumasok na suwerte sa kanya.
“Let’s start with the finance, with my budget. Nakabili na ako ng sarili kong kotse,” umpisa ni Alden. “I’ve also made small investments and I’ve been saving more now.”
Nakikilala na rin siya ngayon kapag lumalabas hindi tulad dati. Pero aware siya na ang kapalit nun ay responsibilidad at ang kawalan ng privacy.
“It’s hard,” he admits. “But it’s fun and it’s worth the effort kasi at the end of the day, you’re the winner.”
Pagkatapos ng Alakdana, napagpasyahan ng GMA Network bosses na ibahin ang takbo ng kanyang career.
Nakita nila ang magandang koneksiyon niya sa leading lady na si Louise delos Reyes na kasama rin sa mga tweens. Dito inilabas ang Tween Academy: Class of 2012.
At dahil maganda ang performance ni Alden sa pelikula, nakita naman ng GMA Films na bankable siya. Kaya sumunod na ang The Road at Ang Panday 2.
“I’m happy kasi big projects ’yun,” sabi ni Alden. “It’s uncommon for beginners to be given a chance to star in films that are this big.”
Sa The Road siya nagkaroon ng pagkakataong makatrabaho si Rhian Ramos. At sa Panday 2 naman na bukod kay Rhian ay nakasama niya sa malaking cast ang mga sikat na artista dahil isa itong Metro Manila Film Festival entry na mula sa GMA Films at Imus Productions na pinagbibidahan ni Sen. Bong Revilla, Jr.
Kaya ano ang susunod ngayong 2012?
“Hopefully, more projects, and more endorsements,” sabi ng aktor.
“Basta I will do my best to show them a different Alden in different projects.”
Hangad din niya ang magkaroon pa ng acting recognition na susunod sa award na nakuha niya sa Golden Screen Awards For Television ng Entertainment Press Society, Inc.
- Latest