^

PSN Showbiz

Jinkee hindi na naman nakilala ni Manny?!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Sus dahil sa cover ng Mega Magazine, ayan tuluy-tuloy ang pagdami ng joke tungkol kay Jinkee Pacquiao.

Ngayon naman ang sinasabi nila, hindi na naman daw nakilala mismong ni Manny ang kanyang asawa sa cover ng nasabing mag kaya nang makita niya, dedma lang ito.

Nang sabihin daw sa kanya, saka lang nito na-realize na ang ina pala ng apat niyang anak ang nasa cover.

Kung sabagay sa unang tingin talaga, hindi mo mapapansing si Jinkee pala ‘yun. Kailangang basahin mo pa ang pangalan niya bago ka maniwala.

Nasobrahan ng ganda si Jinkee sa nasabing cover kaya maraming nakapuna sa pag-iiba na naman ng hitsura niya. Dati nang naging issue ang agad-agad na pagganda ni Mrs. Pacman nang maging endorser siya ng Belo Medical Group.

Nanay ni Ramgen nag-iba rin ng statement tungkol sa laptop

Ay hindi pala consistent ang statement ng nanay ng pinatay na si Ramgen Revilla tungkol sa hawak nitong laptop ng anak.

Kahapon kasi ay inamin ni Genelyn Magsaysay sa isang TV interview na hawak nila ang laptop ng anak pero wala silang access dahil meron daw itong password. Pero ayon naman sa abogado ni Janelle Manahan na si Argee Guevarra, nauna nang sinabi ni Genelyn na wala sa kanila ang nasabing laptop na pinagsuspetsahang pinagmulan ng mga nagkalat na sex video ng nasirang si Ramgen at si Janelle na kuha pala sa banyo.

Pinagdududahan ng kampo ni Janelle na ang isa sa mga kapatid ni Ramgen ang nagpakalat nito na iniimbestigahan pa naman.

Marami nang naka-kopya ng nasabing sex video kaya imposible na itong ma-control agad.

Ang siste lang, maraming walang konsensiya dahil pinapanood pa rin ng marami kahit alam naman nila ang nangyari kay Ramgen.

Balita kasing nanggaling sa laptop ni Ramgen ang nasabing video kaya magdi-diskubre kung sino at paano itong na-upload.

Kamakailan lang ay tumestigo si Janelle laban sa mga kapatid ng kanyang dating boyfriend na pinatay. Ang mga nasabing kapatid din ang itinuturong utak sa krimen kung saan nakaligtas si Janelle.

Lately ay nakikita kong active sa twitter si Janelle at inaaliw niya ang sarili sa online shopping.

ABS-CBN sumagot uli!

Heto na agad. May press statement na ang ABS-CBN sa comment ng GMA Network sa issue ng pending na court case ng ABS-CBN vs AGB.

“ABS-CBN accurately stated in its earlier press statement that its case vs AGB Nielsen is still pending in court.  Let us reiterate that GMA is not a party to the case and should refrain from commenting on it.”

Si Mr. Bong R. Osorio, Head, ABS-CBN Corporate Communications ang nagpadala ng statement.

ARGEE GUEVARRA

BELO MEDICAL GROUP

BONG R

CORPORATE COMMUNICATIONS

GENELYN MAGSAYSAY

JANELLE

JANELLE MANAHAN

JINKEE

JINKEE PACQUIAO

RAMGEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with