^

PSN Showbiz

Maja mas gustong manahimik tungkol sa kanila ni Matteo

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Itinuturing ni Maja Salvador na naging maayos sa kanya ang nakaraang taon kahit na nagkaroon ng ilang mga kontrobersiya partikular na sa kanilang relasyon ni Matteo Guidicelli.

“Yes, may mga nangyaring hindi maganda pero alam kong kailangan ko ’yon para maging mas matibay ako,” bungad ni Maja. “Hindi naman maganda kung puro maganda lang lahat ng nangyayari. Sabi ko nga sa pelikulang Thelma, kailangan talaga madapa. Tapos kapag umangat ka na, umahon ka na ulit, heto ka na mas strong ka, mas kaya mo nang harapin ang lahat.”

Magiging mas makulay kaya ang love life ng dalaga ngayong 2012? “Maintain lang sana, tahimik lang,” maikling sagot ni Maja.

Hinihiling din ng young actress na sana ay maging pribado ang kanyang love life ngayong taon.

“Depende naman po, kilala n’yo naman ako. hindi ako sanay kapag tinatanong ako tungkol sa boyfriend ko. Hindi naman siya part ng trabaho ko na ipaglantaran ’yung detalye ng relationship. Kung masaya ba kami o ano, ibigay n’yo na lang sa amin,” pakiusap ni Maja.

Samantala, malapit nang ipalabas ang pelikula nila ni Matteo na My Cactus Heart.

Ayon kay Maja ay halos isang taon na nila itong ginagawa.

“Cute ’yung istorya, talagang kuwento ng isang babae na matinik ang kanyang puso, walang nakakalapit,” kuwento pa ng dalaga.

Piolo napabilib ni Angelica

Kahit abala na si Piolo Pascual sa kanyang bagong teleserye na Padre de Pamilya ay tuloy pa rin ang paggawa niya ng pelikula kasama si Angelica Panganiban. Natigil kasi noong isang taon ang pagsyu-shooting nina Piolo at Angelica dahil kailangan munang tapusin ng aktres ang kanyang mga eksena sa Segunda Mano.

Ayon kay Piolo ay malaki na talaga ang ipinagbago ni Angelica mula nang huli silang nagkasama sa teleseryeng Mangarap Ka noong 2004.

“Kapag nakikita ko ’yung pictures niya when she was 17 bago siya nag-18, parang wow! Ito na pala siya ngayon. I think she has become more professional because nakita mo na ’yung maturity niya bilang tao, sa pakikituring niya sa tao. Sobra ’yung passion niya sa ginagawa niya kasi hindi siya ’yung tipo na she won’t compromise. She gives her all kaya natsa-challenge kami to give more than you could give,” pahayag ni Piolo.

Hangang-hanga rin ang aktor sa ugali ni Angelica ngayon pagdating sa trabaho. “She is still very fun to work with. Never late on the set. Very professional at napaka-funny at no dull moment with her. Napakagaling na artista,” pagdedetalye pa ni Piolo. — Reports from JAMES C. CANTOS

ANGELICA PANGANIBAN

AYON

MAJA

MAJA SALVADOR

MANGARAP KA

MATTEO GUIDICELLI

PIOLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with